Chapter 6: Just like a seesaw

55 2 0
                                    

CHAPTER 6

"Toto, daanan mo bukas dito yung chocolates nyo na pasalubong ko a. Ingat kayo sa pag-uwi at madilim na."

Hinatid ko ang pinsan ko sa may gate. Nang sinara ko ang gate ay saka ko lang napansin na malaki na ang pinagbago ng garden namin. Mas lumuwag at mas napuno ng mga halaman. Ito siguro yung sinasabi sa akin ni Ate Vicky na pinagkaabalahan nina nanay at tatay. Pinaayos nila ang landscape. Pero isang bagay lang ang nanatili sa garden, ang "study kubo" namin na pinagawa ni tatay. Dati-rati, dito kami nag-aaral nina Rose at iba kong mga tropa overnight.

Ang lumang bisikleta na nakakandado sa gilid nito, nagpaalala sa akin nung minsang umangkas sa harap ng bisikleta ko si Rose. Sumemplang kami noon. Pero naprotektahan ko si Rose - kasi sa akin siya mismo bumagsak.

Pumasok ako sa kubo. Bagaman ayaw ko, pero pilit na nanunumbalik sa akin ang nakaraan. Para itong hangin na yayakap sa iyo; hindi mo makita pero nadarama mo. At ang masaklap, hindi mo maiwasan at 'di mo mapigilan.

Nakita kong papalapit sa akin si tatay. May bitbit-bitbit na isang bagay na nang naaninagan ko ay isang bote pala.

"Anak, hindi kita pinapayagang uminom dati. Pero ngayon, hetong alak. Sinabi sa akin ni nanay mo ang problema mo, tungkol sa best friend mo. Iinom mo lang yan."

Tumungga ako sa bote ng alak na ibinigay ni tatay. "'Tay, bakit 'di nyo pa pinagiba 'tong study kubo? Pati yung bike, 'di nyo pa dinispatya."

"Anak, sa totoo lang. Hindi ko rin alam bakit hindi namin naisama ni nanay mo yan sa mga dapat baguhin dito sa garden. Isipin na lang natin na may purpose pa ito. Malay mo, kung wala itong study kubo, hindi kita bibigyan ng unang lisensya para uminom? Ito yung lugar kung saan sa kauna-unahang beses nakatungga ka ng alak."

"'Tay, karma yata ang tawag ditto eh."

"Dahil ba sa nararamdaman mo ngayon kung anong naramdaman niya dati nung binasted mo siya?"

Taong 2009, ikatlong taon ng pagiging mag-bestfriend namin ni Rose, Third Year college kami nung siya ang unang nag-confess ng nararamdaman niya para sa akin bilang best friend niya. Binalewala ko yun. Binasted ko siya sa madaling salita. 'Di pangkaraniwan pero tumatanggi din pala ang manok sa palay.

Madami akong dahilan noon. Kesyo may agreement kami ni Lord (dinamay pa si Lord) na 'pag nakatapos ako ng kolehiyo nang walang girlfriend o nililigawan, ibibigay niya sa akin ang pangarap ko; kesyo, first rule namin, bawal ma-inlove sa isa't-isa dahil nga masisira ang pagkakaibigan; kesyo, ayaw kong maapektuhan ang pag-aaral niya; kesyo, baka pumunta siya ng ibang bansa 'pag nakapasa sa scholarship, dahilan para mag LDR kami kung sakaling pagbigyan ko siya; kesyo, kesyo, kesyo...

Pero ito ang pinakadahilan ko kung bakit binasted ko siya noon. Naduwag ako na aminin sa kanya na mahal na mahal ko rin siya.

"Alam mo anak, para kayong nagsi-seesaw ni Rose. Hindi kasi kayo magtagpo. Noong mahal ka niya, ikaw yung tumanggi. At noong ikaw yung umaming mahal mo siya, siya ang tumanggi. Lalo na nito lang nung umalis ka papuntang America. Mas naging kumplikado ang seesaw dahil umiwas ka nang sobra." Para akong natauhan sa sinabi ni tatay.

Oo. Tama siya nang sinabi niyang para kaming nagsi-seesaw. Kung magtagpo man kami, yung isa, pipiliting itaas ang pride at iiwan ang isa sa ibaba; walang nagbibigayan.

"Pero, tama lang na nangyari sa iyo yan anak. Dahil kung 'di mo mararanasan yan, 'di mo matututunan ang leksyon mo sa buhay."

Tumulo ang luha ko nung mga oras na iyon. Humagulgol dahil sadyang masakit ang katotohanan. Nasasaktan ako kasi nanakit ako ng damdamin ng iba dati. Pero hanggang kalian ba ito?

"May dahilan ang lahat ng bagay, James. Yung simpleng pagkakaalam mo ng announcement niya na ikinasal na siya isang linggo bago ka umuwi, may dahilan yun.

"At saka, may nakita ka na bang wedding ring sa mga picture niya?"

Wala akong napansing singsing sa daliri niya sa mga picture nya.

"Eh, mga picture ng kasal?

Wala din. Pati, sinikreto lang kasi ang kasal. Kaya natural lang na dapat walang kumalat na litrato.

"Ano na ba ang apelyido niya sa facebook?"

Torres pa rin. Hindi pa rin nagbabago. Sabagay, maraming magtatanong at magtataka kapag iniba na niya ang apelyido niya.

"Naniniwala ka bang ikinasal na siya?"

"Tay, may dahilan kung bakit hindi niyo pa tinatanggal 'tong kubo na ito. Kung 'di dahil dito hindi ako magkakaroon ng pag-asa," positibong tugon ko.

"Eto lang masasabi ko sa iyo, anak. Ibaba mo na yang pride mo. Subukan mong i-level ang seesaw nyong dalawa. At kapag may pagkakataon, makipagkita ka sa kanya."

PLS. 4GIVE METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon