Chapter 8: Seeing her again

48 2 2
                                    

CHAPTER 8

Ilang oras din ang binyahe namin papuntang Batangas. March pa lang pero OA na sa init ang panahon kaya naman parang irrigation na yung mga katawan nmin dahil sa pawis. Biyahe pa lang mapapagod ka na. Pero pagdating nmin sa lugar, grabe, parang gusto na naming tumalon sa beach kahit iwan namin ang mga bagahe namin sa buhangin.

Napakaputi ng buhangin at sobrang linaw ng tubig. Pero ang pinakaumagaw ng atensyon ko ay ang mga makukulay na bangka na paroo’t-parito. Parang attached agad ako sa mga yun.

Na-meet namin yung isa naming tropa na si Rowena sa Villas Caterina, isang hotel na nasa beach front. Maganda yung lugar na native style pero fully air conditioned ang mga kwarto. Naka-book sa amin ang buong second floor. Apat ang kwarto sa nasabing floor: tatlong couple rooms, at isang good for three. Sa room A na good for three ay sina Karen, Yazzi, at Rowena; sa room B ay sina Maron at Norma; Sa room C, sina Jerry at Becky.

“Ako na ang kukuha ng Room D. Ayos lang kahit ako lang mag-isa. Kaya naman ng budget ko,” nag-volunteer ako.

“Sir, couple room yan. Babayaran nyo pati yung isa,” ni-remind ako ng attendant.

“No problem.”

Pumasok na kami sa kanya-kanya naming kwarto. Ako naman, inimis ko yung mga gamit ko at nagpahinga muna ako sa malaking kama. Umidlip muna ako.

Nanaginip ako na nakasakay daw ako sa isang bangka. I saw a folded paper on the floor of the boat. Kinuha ko yun at nabasa kong may nakasulat dito: PLS. 4GIVE ME... In-edit ko raw yung statement dahil sa “4”. Kasi dapat spelled out yun. Naglagay din ako ng “Don’t jejemonize your message.” Sabay tapon sa tubig.

Naudlot ang panaginip ko dahil may kumatok sa pinto. Alas 12 na pala ng tanghali.

Binuksan ko yung pinto at nagulat nang tumambad sa harap ko si Rose.

“Hi!” bati ni Rose.

Hindi ko alam kung alin sa a-e-i-o-u ang isasagot ko. Para akong nauutal. Bigla akong kinabahan.

“Uy, best? James? Ok ka lang?”

Sumandal ako sa pinto at iniharang ang kamay ko dito. “Ah...oh, bakit?”

“Dito raw ang room ko sabi nina Yazzi. Puno na kasi sa kanila eh.”

“Ganun ba? Ba’t di ka kumuha ng other room good for you and your husband?”

Tumaas ang kilay ni Rose. “Di ko kasama ang husband ko. Ako lang mag-isa.”

Pero awkward pa rin na sumama siya sa akin sa kwarto.

Itinulak niya ako kaya bigla siyang nakapasok sa kwarto. Di ko na napigilan.

“Teka. Wala pa kong sinasabi na pumayag na ako na dito ka.”

“Ano bang problema dun best. Share naman tayo sa bayad ah.”

“Hindi problema yung bayad eh. Nakapangalan na itong room sa akin.”

“Wala kang magagawa James.” May halong pagpapacute niyang sinabi. “Gusto mo ba na mag-stay ako sa ibang room? Sa third floor? Paano kung may biglang mang-harass sa akin dun? At pagsamantalahan ang aking alindog.?”

Sabagay, mahirap na. Pero, ano bang paki ko? “Tsk...si...sige na nga!”  

 Di pa rin siya nagbabago. Magaslaw pa rin siya kumilos, at magsalita. Isa sa mga bagay na gusto ko sa kanya.

“At dahil sa akin nakapangalan ang room na ito, lahat ng rule ko ang dapat masunod. Ako ang hahawak ng susi; ayoko ng basang-basa kang papasok sa room; ang curfew time ay 10:30 pm; kung lasing ka, wag kang susuka dito, dapat sa CR.”

“Yun lang ba?”

“At...at dahil KASAL ka na at awkward na magkatabi tayo sa higaan...”

“Ako sa kama at ikaw sa sahig?” singit nya.

“Hindi! Ako sa kama at ikaw sa sahig.”

“Grabe! Hindi makatao yun. Nangibang bansa ka lang naging harsh ka na sa akin. Tama bang yung babae ang nasa floor at ikaw nasa kama?”

“Sa akin nakapangalan ang kwartong ito, at ako ang magbabayad dito.”

“Hmp! Fine! Kukuha ako ng extra mattress ko!”

“Dapat lang. Ano nalang ang iisipin ng ASAWA mo kung magkatabi tayo sa kama?”

“ Sabagay. Ayokong pag-isipan nang masama ng labidabs ko ang pagiging magka-roommate natin. Wag kang mag-alala. You rule here, Your Highness! Kahit pa maghubad ka sa kwartong ito wala akong pakialam.”

“Talaga?” Nakangisi kong sinabi.

“Talaga!!!”

I removed my shirt in front of her, for the first time. Pinagtyagaaan ko ang pagwu-work out ko nung nasa States pa ako and I am more confident now. Having six-pack abs, broader shoulders, toned muscles...

Naglipbite ako at tinitigan siya. “Fine.”

“Mas maganda dyan yung sa asawa ko.” Sabi ni Rose.

Kumunot ang noo ko. Syempre, nagselos na naman. Sabay ibinato sa mukha niya ang hinubad kong white t-shirt. Dumerecho ako sa CR.

Wala pang 10 seconds lumabas agad ako kasi nakalimutan ko ang towel ko sa bag ko. Kaso nagulat ako nang nakita ko si Rose. Hindi pa rin natitinag sa kinatatayuan niya, Nakapikit at kagat-kagat ang white t-shirt ko. Hindi niya nahalatang nasa harapan na niya ako ulit.

“Gutom ka siguro,” sabi ko. Nagulat siya nung sinabi ko yun sabay hulog ng t-shirt mula sa kanyang bibig.

PLS. 4GIVE METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon