Gusto na Kita

23 0 0
                                    

Gusto na Kita

Sa tuwing kausap kita
Iba ang nadarama
Tibok ng pusong di inakala
Ewan kung tama ba ang aking hinala

Paano ba magsisimula?
Nais lang sabihin na baka gusto na kita
Nang higit sa iyong inakala
Lagpas sa pagkakaibigan na ating isinumpa

Nais sabihin sayo ang kaso...
Humina ang loob ko katulad mo
Meron ka kasing ibang gusto
At syempre iyong ay malabong maging ako

Pagkakaibigan nalang siguro
Tutal yun lang ang saki'y turing mo
Ayos lang naman sa akin ang ganito
Nakakausap ka gabi-gabi kahit papaano

Ang di ka magsawa ang siyang ipagdarasal ko
Sa pakikipagkaibigan at pagkausap sa tulad ko
Ipagdarasal na di mo ako iwan
Handa na lang akong makuntento sa pakikipagkaibigan

Tula Para Sa Aking Mga Naging SintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon