Chapter 1 [Kilalanin Si Jaxine]

1.5K 22 9
                                    

"Ayan na, ayan na, lalabas na sila." Hawak-hawak ang manibela ng pink niyang sasakyan, ngumuso si Violet sa couple na kakalabas lang Sagies Coffee Shop. Sa di kalayuan, natanaw ko na kaagad ang dalawang naghoholding hands at mukhang masayang-masaya.

"AHUHUHUHU" humagulhul lang naman ako sa iyak. I just can't stop. Parang kinurot yung puso ko na makita siyang masaya sa iba. Tinakpan ko ang mukha ko dahil pulang-pula na. Para akong batang kinunan ng candy. Watdapak. Halos maubos na ang tissue ko.

Ramdam ko ang pagharurot ni Violet sa sasakyan niyang pink, at ako muntik ng matilapon sa front seat sa bilis ng takbo. Kaya naman gulat na gulat ako at napangiwi sa kanya. Kaya mas lalo akong humagulhol sa iyak.

"Hoy Jax ! 'Wag ka ngang umiyak dyan, walong buwan na kayong break, mag move-on ka na please!" sigaw ni Violet habang deretso lang ang tingin sa daan.

"Ahuhuhu! Matagal na akong move on, pero nasasaktan pa din sa tuwing nakikita syang may iba, ang gulo kaya!" singhal ko sa kanya.

"Alam mo, ikaw ang magulo." aniya.

Oo nga't ako na ang magulo, alam ko sa sarili ko 'yon. Ako nga pala si Jaxine Santoval, 17. Ang babaeng walang ginawa kundi guluhin ang utak at puso. At yun? Siya si Inigo Dela Vinn, ang tanging boyfriend na sineryoso ko, EVER. At walong buwan na kaming break. And lastly, ako si #TheGirlWhoCan'tBeMoved</3

"Hephep! 'Wag kang lalagpas, dito lang!" ingil ko kay Violet matapos lumagpas ng kunti sa main gate ng school ko. Palagi niya kasing nilalagpas ng mga three meters, anlayo na kaya nun. Sya nga pala, iba kami ng school. Mas expensive doon sa kanila. Richkid be like <3

Lumabas na ako sa pink niyang sasakyan "Vioooo! Thanks ng marami, ciao for now!" I waved my hand kahit di ko siya nakikita kasi sarado yung window niya.

She opened her window "Hoy malandi! 8pm susunduin na kita!" sabay close at harurut sa sasakyan. May pagka bruha din yang babaeng yan, pero mabait yan I swear to you. Kaya nga naging bestfriend ko yan eh.

Sooo, let me tell you my story.

Again, I'm Jaxine Santoval, hindi kami mahirap, at lalong hindi rin kami mayaman, yung middle class lang. I have two older brothers, parehong na sa abroad, kaya yung mommy ko at daddy nalang ang nasa bahay namin. At si Violet E. Buenacarra, ang tanging babaeng partner ko sa lahat. Nagsimula ang pagkakaibigan namin noong 4 years old ako, family lawyer kasi ang daddy ko sa kanila, you know? Maraming ari-arian kaya dapat may nag-aalaga.

At si Inigo Dela Vinn, ang boyfriend ko, NOON. Mag si-six months na kami nun ng naging dry na yung relasyon namin, and after a few weeks, he dumped me. Di ko matanggap kasi naman, ang tagal ng six months, alam na ng boung baranggay na wagas akong magmahal, as in todo-todo, kaya no wonder na mabigat sa akin ang nangyari. Then I heard so many news about him, she dated many girls after me, and then now may iba na naman :<

So me, bunso sa tatlong magkakapatid, only girl, but actually may ate pa ako, si Terix aka Ate Brenix, one year lang agwat namin noun. Pero noong 14 years old ako, nasagasaan siya ng 10 wheeler truck, imagine that? Kaya ang ayoko talaga na may mawala sa akin :<

Soooo, that's my story.

40 Days With Ms. Rebound (Under Renovation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon