Chapter 9: Awkward

49 2 3
                                    

"Kamusta ang buhay bagong kasal?"

Sabi ko na nga ba dito sisentro ang tanghalian nmin. Akala ko ang pag-uusapan ng mga tropa ko eh yung masarap na ulam na nasa harap namin ngayon. Ang masaklap pa, ang pangit ng pwesto ko sa hapag, nasa gitna ako at katapat ko pa si Rose. Siguradong sa akin ang tapon ng mga linya nila. At paano pag naghagalpakan sila ng tawa, paano ko ipapakitang di ako out of place?

"Eto syempre, masaya lalo kapag gigising ako sa umaga with my better half beside me," sagot ni Rose.

"Magkwento ka naman tungkol sa kasal nyo!" request ni Becky.

"Wag na. Mainggit ka pa!" sagot ng tropa.

"Kayo naman. One time ikakasal din ako at sisiguraduhin kong maganda ako! At gusto ko beach wedding."

"Ako magmi-makeup sa yo bakla!" sabi ni Yazzi.

"Wow. Thanks friend! Pagmukhain mo kong sirena sa ganda ah kasi beach wedding yun."

"Sure. Pagmu-mukhain kitang si Anne."

"Talaga friend? Dyesebel? Anne Curtis?"

"Hindi. Anne. Anne-dertaker (Undertaker)!"

"Akala ko Anne-patuan (Ampatuan)."

At naghagalpakan ang buong tropa.

"Well guys, seriously. Everything went well during the wedding. Kaso konti lang ang pumunta kasi nga it was done in secret."

"Bakit naman kasi di mo kami in-invite Rose?" tanong ni Karen.

"Eh kasi..."

At naisipan ko nga na sumali sa usapan"Bakit wala kang, wedding ring?"

Nagtinginan ang lahat kay Rose. Ngayon lang din nila kasi napansin na walang wedding ring na suot-suot si Rose.

"Eto na po yung grilled pork ribs nyo," singit ng waiter.

Sabik na sabik ang lahat kaya naman inagaw na ng ulam ang atensyon nila hanggang sa matabunan na sa ere at tuluyan nang malimutan nila yung tanong ko tungkol sa wedding ring ni Rose. Kaya naman di ko na rin inulit pa yung tanong kasi mapaghahalataan nilang curious ako masyado. At hoping.

"Pero girl kamusta naman magmahal si Jeremiah?"

"Sobrang sarap at wala ka nang hahanapin pa!" sagot ni Rose.

"Ay shit!" Bigla kong nabitiwan yung tinidor na ginagamit ko para pirapirasuhin ang ulam ko. Ewan ko ba kung maganit lang talaga yung baboy na napunta sa akin.

"Pasensya na guys. Maganit kasi yata yung baboy."

"Ay tinidor yung bumagsak. Ibig sabihin may darating na lalaki," sabi ni Rowena.

"Baka si Jeremiah na yun?" sagot ni Norma.

"How I wish. I miss my hubby." sagot ni Rose.

Tumayo ako sa kinauupuan ko para kumuha ng bagong tinidor sa may counter kasi medyo awkward na yung usapan. I just always feel irritated at the very sound of that name.

Pero di na ako bumalik sa hapag.

PLS. 4GIVE METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon