A/N: Hindi ako sure kung mapa-publish ko lahat ng nire-construct ko ngayon. But I'll make sure in a week, may 3 bagong chapters na lalabas. Keep reading and supporting!
- pool, dead
2
Taeyeon's POV
"Thanks." Yun lang ang sinabi ko sa kanya at tuluyang pumasok sa dorm. Hanggang nagyon, masakit parin ang ankle ko. Kaya binuhat ako ni GD hanggang dito. You read it right, si GD ang naghatid sakin at siya rin ang may kasalanan neto. -_____-
"Unnieeeeeeee~! Nabalitaan kong nakipagkita ka daw kay GD sunbaenim kanina?" Hingal na hingal na sabi ni Seo. Wow. Si GD talaga na bwisit ang inintindi hindi ako?
"So mas concern ka na ngayon sa GD na yun kesa sakin?" Paika-ika parin akong maglakad papuntang sofa.
"Hindi naman.. unnie! Anong nangyare sayo?" Oh kita mo, saka lang niya napansin nung nakita niya akong paika ika.
"Gusto mong malaman?" Tanong ko kay Seo.
Tumango tango lang siya. Huh! Tignan natin kung di ka maturn off sa lalaking yun. -____-
-flashback-
"It's nice to see you again, Kim Taeyeon."
/JAWDROP. OH NO. NAALALA BA NIYA YUNG NANGYARE SAMIN NUNG GABING YUN?!
"H-ha? N-na.. n-nagkita na b-ba tayo d-dati?" Nauutal at di ako makatingin sa kanya ng maayos. Duh, kaming dalawa lang po ang nandito sa recording studio. -____-
"Oo. Bakit di mo na maalala?" Tapos nagsmirk pa siya. Huhuhuhu, God, help me. I'm dead.
"H-hindi e-eh." Lalong lumalakas ang tibok ng puso. Wag kayong ano ah! Syempre sa kaba kaya ganto ang heartbeat ko. Wala akong GD syndrome kaya wag kayong ano.
"Talaga? Ang wild mo nga nun eh." Ngayon naman, natatawa na siya. Ge lang, tawa pa, nakikita na ang pink momg gilagid.
"A-ano y-yang p-pinagsasasabi mo?" Tinignan ko siya sa mata kung may mababasa ba ako, pero wala. Ayoko na neto.
"BWAHAHAHAHAHAHA! ANG EPIC NG MUKHA MO! HAHAHAHAHA! BUTI NALANG NAPICTURAN KO. HAHAHAHAHAHAHA!"Nagulat nalang ako nang tawa siya ng tawa. Sabi na eh, hanggang ngayon naka drugs parin siya. -_-
"Ha?"
"Ansarap mo palang pagtripan. Hahahaha." Sabi pa niya habang nagpupunas ng luha. Naluha sa kakatawa? Baka gusto niya palitan yan dahil sa sapak ko. -_-
"What?!" Nabwibwisit na ako kase ako pala ang pinagtatawanan niya.
"Okay, I was just joking. Di ko naman kase alam na seseryosohin mo yung joke ko eh. Hahaha! So, gusto mo tour kita dito?" Geh lang, ngiti lang. Akala mo naman kung sinong endorser ng Colgate.
"Anlakas naman pala ng trip mo eh no? Manloloko tas magseseryoso. Aba matinde." Dahil nabwisit ako tinalikuran ko nalang siya at lumabas ng recording studio.
"Opps, sa dance room na ang punta niyan. Dito ang daan sa baba. ^_^" Di ko alam na nakabuntot pala sakin ang peste na yan at todo ngiti pa.
"Tss." Nagcross arms nalang ako at tumingin sa ibang direksyon. Nakakaasar eh!
*boogsh*
"What the?! Argh! Ansakit!" Di ko alam na nabungo na pala ako. Bwisit. Sino ba kase naglagay ng pesteng poste rito?!
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake [G-Dragon x Taeyeon Fanfic]
FanficOne mistake and everyone will judge you.