When zomb fell inlove..
Written By: BlackPanda13
Copyright © 2014 by BlackPanda13
ALL RIGHTS RESERVED. THIS IS AN ORIGINAL STORY. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.
////
Om
"Rahhhrrrw""Huuuuurrrw"
"Raaahhhhwwwww"
Isa lang yan sa mga salitang Lagi kong naririnig. Sa katunayan nga, ganyan din ako minsan magsalita. Nahihirapan.
Isa akong Zombie. Oo. Z-O-M-B-I-E. Zombie na nakakapag isip. Zombie na nakakapag salita. Hindi naman talaga dire-diretsong nagsasalita pero may accent padin at speed ng parang zombie.
Kamangha mangha no? Nakakapag salitang zombie. Hindi ko nga alam kung anong nangyari sakin. kung Anong pangalan ko, kung saan ako nakatira, kung ano ba talaga ako.
Nagising nalang ako na wala na akong maalala. At zombie na ako. at alam mo ba? Hindi ako katulad ng ibang zombie na nadadaanan ko na hindi naliligo, na madudumi. hindi ako yung tipo ng zombie na hindi mabubuhay ng walang kinakaing utak o laman loob ng isang tao. Kaya ko makapag pigil. Sa katunayan nga, naliligo ako. Marunong ako magluto kahit minsan nasusunog kasi nga mabagal ako gumalaw ng onti. Zombie nga kase.
Hindi ko aakalain na magkakaroon ng zombie apocalypse. Parang dati tao lang ako, pero hindi ko alam. mas matindi pa 'to sa HN1N1 Virus. Mas matindi pa sa Tuberculosis at Cancer. ito na ata yung pinaka matinding sakit sa lahat. Ang maging zombie. Para kang buhay pero Patay ka naman na talaga.
May bahay akong inuuwian pagkatapos ko mag gala gala. Para siyang bahay na malaki. Na nasa isang Subdivison. Hindi ko alam kung sino ang nakatira dito. Wala naman kasing pictures. Nagising nalang kasi ako sa isang kama sa bahay na 'to at nakumpirma kong Zombie na ako. Wala namang sugat o kahit anumang Kagat ng zombie sa katawan ko pero naging zombie ako. Nakapagtataka pero totoo.
Kasalukuyan akong naghihilamos. Kakagising ko lang. Oo nakaka tulog ako, Gawain ng isang tao. Nananaginip pa nga ako eh. Isang babaeng ubod ng ganda, naglalakad sa dalampasigan. Naka tingin sakin at kumakaway. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya. nung kumalas ako sa yakap niya bigla niya akong hinalikan at wala na akong maalala pa.
"dug. dug." Teka..
may naramdaman ako sa bandang kaliwang dibdib ko. Nanggagaling ba iyon sa puso ko? Tumibok ba siya ng 2 beses? Nabitawan ko ang toothbrush ko at napahawak ako sa kaliwang dibdib ko. Hindi ako makapaniwala. Tumibok ang puso ko dahil sa isang panaginip?
nang nagsawa na ako sa kaka titig sa repleksyon ko sa salamin ay lumabas na ako sa banyo. Pumunta ako sa kusina at nagluto ng pancakes. Libre na lahat ang mga gamit sa mundo. Kumukuha ka nalang sa grocery. Hindi naman talaga nakakalasa ng pagkain ang mga zombie pero mas maganda nang ito ang kinakain ko kesa ang tao diba?
Kahit medyo sunog ang pancake ay kinain ko padin. hindi ko din naman malalasahan iyon. Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko ang pinagkainan at pumunta sa may sala. Naiwan ko palang nakabukas ang telebisyon. Nagpapaulit ulit lang ang mga nasa news dahil patay na nga ang mga reporters. hindi rin naman ako nanonood non kaya mga cd at dvd ang pinapanood ko. Madaming mga love story na puro tao ang mga nandoon. Minsan gusto ko nalang maging tao uli. Gusto kong bumalik sa dati. kaso kahit naman bumalik ako, may maaalala ba ako? may magagawa ba ako para hanapin ang mga taong nasa nakaraan ko?