HDHA - Twenty Six - The Mission

2.4K 65 5
                                    

Sinipag ako mag-UD kahit medyo late na. Hehe :) Kamusta previous chapter guys? Wala na masyadong readers and voters. Waaaaah. :O SUPPORT PA RIN! ☺

============================================================

TWENTY-SIX

The Mission

LUIGI'S POV

Around 10 pm, umalis na ang tropa. Kanina ko pa talaga gustong paalisin tong mga to! Kaso syempre, tropa ko. Magmumukha akong rude at minsan lang rin naman sila bumisita. Tss. Tangina lang talaga kasi nakuha pang kunin ni Eva ang number ni Cyrus! Biruin mo yun?! Ako dapat ang una sa contacts nya dahil ako ang bumili ng phone pero si Cyrus pa pala ang mauuna. Putek. Lagot talaga sya sa akin mamaya! Kanina pa sila ni Cyrus sa garden ah. May something siguro ang mokong na yun kay Eva.

"Bye, Cyrus! Bye, guys." pakaway-kaway pa ang babae na to! Ayos ang ngiti ah? Tss. 

"Eva ah. Text ka lang anytime na gusto mo." paalala ni Cy. 

"Sige! Bye!" patuloy pa rin siya sa pagkaway hanggang nakaalis na sila. Saktong di na matanaw ang kotse nila ay hinila ko papasok ng bahay si Eva.

"Uhh, Ser! Masakit!" tinutukoy nya ang pagkahawak ko. Binagsak ko ang pinto at hinarap siya. 

"Ya! Bakit kinuha mo number ni Cyrus ha?" Sumimangot siya.

"Wala lang. Gusto ko lang." 

"Gusto mo lang? O dahil gusto mo siya?!" 

"Eh bakit mo ako sinisigawan?" Sumisigaw ba ako?! Aish! Kinalma ko ang sarili ko. Mukhang napalakas nga ang boses ko. "Kung naiinggit ka, pwede ko namang ibigay rin ang number sa'yo ni Cyrus. Oh ito..." kinakilot pa niya ang kanyang phone. Agad kong hinablot yun sa kamay niya. 

"Sira ka ba? Natural may number ako ng ka-tropa ko!" Tangina. Nakakaasar talaga siya. 

"Yun naman pala eh. Eh bakit ka nagagalit sa akin?" Di ko alam kung matatawa ba o ako maasar kay Eva. Kalmado pa rin ang boses at expression ng mukha niya. Di ba nya ramdam na naiinis ako? Puta. Ayoko na magsalita! Binalik ko sa kanya ang phone at tumungo sa sala. Di ko pa nauubos ang isang bote ng SM Light. 

Nagbukas ako ulit ng isa at umupo ng pa-dekwatro sa sofa. Sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko. Damnit. Bakit ba kasi inis na inis ako?! Selos lang yan. Ano daw? Anong sabi ng konsensya ko?

"Ako?! Magseselos?! Tss!" sambit ko. Lumaklak ako.

Eh bakit ka kasi nagagalit dyan? Kinuha lang ni Eva number ng kaibigan mo, eh nanggagalaiti ka na. 



"Bakit? Di ba dapat? Kakakilala lang niya dun! Tapos kukunin nya agad number?!" 

HE'S DATING HIS ANGEL ☺Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon