Kahit

8 2 0
                                    

Ang hirap isipin na napapagod ka na 

Dahil kahit ilang beses kang sumulat ng tula

Kahit ilang beses kang lumikha ng kanta

Para sa kanya wala ka pa ring kwenta

Kahit ilang beses kang magpanggap na masaya

Hindi mo pa rin maiwasang lumuha

Oo masakit

Dahil para sa kanya , kaibigan ka na lang pala 

Minsan talaga kailangan nating mamulat

sa katotohanan

Katotohanang ikaw na lang ang kumakapit sa kanya

Dahil sya matagal ng nakabitaw

At iniwan kang luhaan

Ang saklap diba

Bakit hindi ka na lang lumimot 

limutin ang nakaraan 

At harapin ang kasalukuyan

Na nagmamahal ka 

At pinapaasa ka na lang nya

O kaya naman tuluyan mo na syang pakawalan 

kung ang pakiramdam mo, hindi mo na sya mahal

Dahil simula't sapul alam mong ikaw na lang ang nasasaktan

At siya, nagpapasarap buhay

Maging alerto ka na

Dahil sa panahong ito 

Marami ng tao ang umaasa at nagpapaasa

Sasama ka pa ba?

Sasama ka pa kahit alam mong pagod ka na 

Susubukan mo pa ring magmahal kahit ang sakit sakit na

Huwag ka ng magpakamartyr kung ayaw mo na 

Baka pati yang puso mo ay magsawa na:)



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 02, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KahitWhere stories live. Discover now