Natasha's POVPinulot ko ang piso at tinitigan 'yun.
"pabili ng kausap" naalala ko bigla.
I felt my cheeks becoming warm. Wala sa sarili akong napabalik sa kama, umupo ako sa gilid at napatitig sa sarili ko sa salamin.
Namumula ang mukha ko. Pero dahil yun sa pagkabadtrip ko. Because he shooed me away. That's it. Argghh!
Tumayo na ako at marahas na binuksan ang pinto, hawak pa rin ang piso.
"Ano bang kailangan mo, MISTER PRESIDENT?" bungad ko.
Sandali syang tumitig sakin,
"Ikaw lang ba ang may karapatang bumili ng kausap?"
Napairap ako at pinakita ko ang piso. Itatabi ko 'to para kapag ako naman ang may kailangan ng kausap ay ito rin ang gagamitin ko.
Nilakihan ko ang pagka-bukas ng pinto at naglakad papunta sa kama ko. Narinig ko namang sinarado nya ang pinto at naglakad kasunod ko.
Hmp. Kanina may pasigaw sigaw pa sya tapos ngayon bumibili sya ng kausap? Kainis talaga.
Napairap ako ng nilibot nya sa paligid ang paningin nya. Biglang may nahagip ang peripheral vision ko. Shit. Yung folders about my mission. Dahan dahan kong sinuksok pa 'yun sa ilalim ng kama hanggang sa di na makita.
Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong hindi nya naman napansin.
Narinig ko syang tumikhim, saglit ko lang syang binalingan ng tingin at kinalikot ko na lang ulit ang mga daliri ko. Bakit ba sya nandito bigla? Nagbago na ba ang ihip ng hangin at nagdesisyon na kailangan din pala ni Oyang ng kausap?
"Hindi ka ba magrereview?" tumikhim na naman sya. "Sabay.. ulit tayo.. kung kailangan mo ng tulong."
Napa irap ulit ako,
"Sa pagkakatanda ko, nung huling kasabay kitang mag review ay na late ako kinabukasan." inis kong sambit.
Teka naiinis nga ba ako?
Sandali na naman kaming nanahimik. Seriously, what does he want?
Maya maya pa ay bigla nya akong hinila palabas ng bahay ko, at palabas ng gate.
"Hoy. Ano ba! San tayo pupunta? Anong oras na eh." ang huli kong pag tingin sa orasan ay 8:30pm na.
Bigla kong naramdaman ang gutom. Sheeks. Di pala ako kumain kanina. And it's all because I was annoyed. Was.
Dumaan kami sa karinderya. Sarado na. Madilim at ang ilaw lang ay galing sa poste 10 meters away. Umupo sya sa isa sa mga upuan na nasa labas. Dahil mukhang drain na rin ako ng energy ay umupo na lang ako sa harap nya.
Napatingin ako sa pinatong nyang dalawang tupperware sa sementong mesa. Nanlaki ang mga mata ko. Pagkain? Kanin at ulam? Kanina nya pa ba dala yan? How come I didn't see it? Mygod Natasha, totoo ngang may problema na ang eyes mo.
Matagal kong tinitigan yun. Di ko alam kung anong gagawin. Kakainin ko ba o papairalin ang pride? I don't know anymore.
Nasa ganung pag iisip ako ng binawi nya ang tupperwares. For one second I thought ibabalik nya na lang sa plastic. But instead, binuksan nya yun at binalik sa harap ko.
No choice ako dahil gutom na talaga. Dahan dahan kong kinuha ang kutsara at tinidor at nagsimulang kumain.
Ang awkward dahil nakatingin lang sya habang kumakain ako.

BINABASA MO ANG
Mission: Act Like a Probinsyana
Teen FictionTasha, who has been trained to be the successor of her dad, a high profile secret agent, was sent to the province of Camarines Sur for an important mission to prove that she's ready to enter the work force. Her mission: act like a PROBINSYANA in ord...