AJ POV
Gabi na ng makarating ako sa condo na tinutuyan namin dito sa London nagkaroon pa kasi ng konting problema sa airport kanina. Pag pasok sa kwarto ay agad na din akong nahiga. Hindi na ako nag abala pang magpalit ng damit at hindi ko na din nagawang kumain pa. Dala na din siguro ng sobrang pagod at antok nakatulog na din ako agad.
Kinabukasan maaga akong nagising. Agad kong hinanap ang cellphone ko na mapagtanto kong hindi pala ako nakatawag sa asawa ko pagdating ko dito kagabi at ganun na lang ang panlulumo ko ng makitang lowbat ito. Panigurado akong nag aalala na yun. Hayys
Nagmadali na lang ako mag ayos habang chinarge ko na ang cellphone ko. Mamaya ko na lang sya tatawagan pagdating ko sa office.
Naabutan kong nasa labas na ng condo ang driver namin pagkababa ko kaya agad na din akong sumakay. Family driver sya ng family ni Reign.
"Good morning AJ!" bati nito sa akin. At gaya pa din ng dati hindi ako nagpapatawag ng sir, AJ lang.
"Good morning din po!" bati ko din sa kanya.
"Pasensya na po kayo kagabi. Hindi nyo na ako nakausap ng matino. Sobrang pagod na kasi ako sa byahe." Pahabol na sabi ko pa dito. Pag sakay ko kasi kagabi hindi ko sya pinapansin kahit na kinakausap nya ako. Pero alam ko namang naiintindihan nya iyon dahil sa tagal din namin nagkasama dito noon.
"Okay lang yun. Halata naman na pagod na pagod ka. Biglaan ata ang pagbisita mo ngayon ah?" sabi nito sa akin.
"May naghahanap kasi sa akin na kliyente eh. Urgent daw kaya eto bigla akong napasugod dito." sabi ko naman dito.
"Nagulat nga ako nung tumawag kayo kagabi sa akin para magpasundo eh. Wala naman kasi nabanggit sakin si Margo na pupunta ka dito." tukoy nya sa panganay na anak na nagttrabaho sa company. Ito kasi ang madalas na nagsasabi sa kanya kung kelan ako pupunta dito kaya maaga pa lang alam na nyang darating ako kaya nagtataka din ako ngayon kasi hindi nya ito alam kahit naman kasi biglaan ako pumupunta dito nasasabihan pa din sya ng kanyang anak. Hindi na lang ako umimik at pinagsawalang bahala na lamang ito.
Ng marakating ako sa office ay kita ko sa mga empleyado namin dito na nagulat sa pagdating ko kaya lalo akong nagtaka. Hindi ba't dapat alam nila na darating ako?
"Oh hi! It's nice to see here AJ. Bakit hindi ka nagpasabi na pupunta ka pala dito?" bungad sa akin Mr. Vergara na ipinagtaka ko.
"Hindi nagpasabi? Hindi ba ikaw nga nagpatawag sa akin dito ng biglaan?" takang tanong ko dito at nakita ko ang gulat sa kanyang mukha kaya napakunot ang noo ko.
"Me?" Takang tanong nito. "Wala naman problema sa company para ipatawag kita ng biglaan. At lagi naman ako nagsesend sayo ng report hindi ba?" pahabol pa nito.
"Yeah! Nababasa ko naman lahat ng yon. Pero tinawagan ng secretary mo si charm nung isang araw at sinabi nga na may naghahanap daw sa aking client dito at kelangan ko agad pumunta dito." Paliwanag ko dito.
"Jessie please come here in my office right now!" sabi nito sa telephone.
"Hintayin lang natin yung secretary ko para malinawan tayo. Wala kasi talaga akong alam sa sinasabi mo." sabi nito sa akin. Maya maya lang ay bumukas na ang pinto at pumasok ang isang babae. Hindi ito pamilyar sakin.
"Good morning sir!" bati nito sa amin.
"Jessie! Totoo bang tumawag ka sa secretary ng sir AJ mo para papuntahin dito?" tanong nito sa babae. Sasagot sana ito ng magsalita ako.
"Wait! Bago ang secretary mo? Where's Cassey? Sya yung tumawag kay Charm para papuntahin ako dito." nagtatakang tanong ko dito.
"What??" Gulat na tanong nito sa akin. "She's already left the company. One month ago na. Kaya paano mangyayaring sya yung tumawag sa inyo?" nagtataka din tanong nito.
BINABASA MO ANG
I Will Never Give Up on You (Girl X Girl) - 'Completed'
RomansaPaano kung natagpuan mo na ang taong magbibigay muli ng kulay sa buhay mo? Magagawa mo bang sumugal muli sa pag-ibig? Hanggang saan ang kaya mong ibigay para sa taong mahal mo? Paano kung sa isang iglap ay mawala ang taong nagpapasaya sa iyo? Maghih...