"RISE AND SHINE LYNEEEEEEEEEE!"
Napabalikwas ako sa kama ko dahil sa sigaw. Tiningnan ko ito at nakita si Avanna na bihis na bihis at nandito sa loob ng kwarto ko.
"A-anong ginagawa mo dito Vanna? Ang aga pa a." sabi ko habang nagkukusot ng mata. Tiningnan ko ang orasan at nakitang 3 pm na pala.
WAIT.
Tiningnan ko uli ang orasan at nakita na 3 pm nga. E baka naman mali lang yung orasan. Tiningnan ko din sa cellphone ko yung oras. 3 pm nga talaga.
"Ano, bessy? MAAGA pala a." sabi sa akin ni Vanna ngayon ay binubuksan na ang closet ko at nagkukuha ng mga damit.
"OY! Bakit ka nagtatanggal ng damit diyan? Ibalik mo yan! Isa pang kalat yan e."
"GAGA! Mamimili tayo ng school supplies ngayon, nakalimutan mo na?" sabi niya sa akin at pinagtatanggal ang mga damit na kinuha niya sa mga hanger.
Kailan nga ba nila sinabi yun? Ah. Last week, after naming mag enroll.
"Ano bessy, tutunganga pa? Mabagal na nga kumilos si Iza, babagal ka na rin."
Isa pa nga pala yung si Iza. Lahat na yata ng kaartehan ay alam ng bruha na yun.
"Nasaan nga pala yun?"
"E di nasa bahay pa nila. Tapos na daw maligo. Daanan na lang daw natin mamaya kapag tapos ka ng maligo. Kaya maligo ka na!" sabi niya sabay taas ng hanger at akmang ipapalo na sa akin.
Dali-dali akong tumayo sa kama at nagtatakbo papuntang cr dahil ayokong mapalo ni Vanna. Siyempre, naligo at nagayos na ako ng sarili bago lumabas ng kuwarto at nakita si Vanna na nanonood ng Legend of the Blue Sea na nasa external hard drive ko.
"Oh? Bakit ka nanonood? Akala ko ba aalis na tayo?"
"Oo nga. Hindi pwedeng patayin? (Pinatay yung TV) Happy?"
Ngumiti ako ng pilit.
"Kita mo kung gaano ako kahappy? Sabunutan kita diyan e. Saan tayo?"
Palabas na kami ng gate ng nilingon niya uli ako.
"Bessy, kina Iza tayo pupunta ngayon. Kakasabi ko lang sayo kanina di ba? At saka alangan namang iwanan natin yun." asar na sagot sa akin ni Vanna.
"Sorry naman. Bagong gising kaya ako nung sinabi mo sa akin yun. Malamang lutang pa ako nun." depensa ko at sumakay kami sa kotse niya.
OOPS. Hindi si Vanna ang magdadrive. Yung driver niyang si Kuya Marlon ang magmamaneho ng kotse nila. Baka gusto niyong hindi na kami makapasok at makagraduate. Iyan kasing si Vanna, nagtry one time na magmaneho. Ang sakay niya? Kaming dalawa ni Iza. Grabe. Gusto na naming dalawa na buksan yung pinto at gumulong palabas kaysa mamatay kasama si Vanna sa loob ng mga panahong yon.
"KUYA MARLOOOON! Long time no see!" bati ko kay Kuya Marlon pagkasakay naming dalawa ng kotse. Si Vanna ang sa shotgun seat at ako dito sa likod.
"Ang ingay mo pa rin kahit kailan Lyne. Hindi ka na yata magbabago." natatawang sabi ni Kuya.
"Ay nakooo Kuya. Asahan mong never akong magbabago. Forever maingay na yata ito!"'
"Kuya. Kina Iza po tayo." sabi naman ni Vanna.
Medyo madali lang yung byahe dahil hindi naman kalayuan yung village namin sa village nila Iza. Tahimik din ang byahe dahil pareho kami ni Vanna na babad sa Facebook.
"KYAAAAAAAAAAAAAAA!"
Biglang nagpreno si Kuya Marlon at muntik na akong masubsob sa harapan. Inis akong nilingon ni Vanna.
BINABASA MO ANG
Her Love
Teen FictionShe can risk anything in the name of love. Even if it is something that can kill her.