Natasha's POV
Paglabas ko ng pinto ay saktong palabas na din si Oyang kaya naman binilisan ko ang paglalakad para maabutan ko sya. Lunes ng umaga at ikatlong linggo ko na dito sa Puraka.
Sa wakas ay naabutan ko din si Oyang.
"May alam ka bang sport, Oyang?" tanong ko nang may malapad na ngiti, no response. Great.
"Dapat sumama ka nung Sabado. Nuon ko lang nalaman na napakahusay pala ni Lino mag-basketball. Lalo na nung mga huling limang segundo, nung--" Oyang walked even faster kaya binilisan ko din,
"Oyang! Bagalan mo naman yung lakad mo!"
"Tasyang!" nakita ko si Lino sa di kalayuan na nakangiting tumatakbo palapit sakin
Tasyang, he's not the main focus here. It's Oyang.
"Good morning." bati nya nung makalapit na sya,
"Good morning." walang ganang tugon ko,
"Bakit nakasimangot?" tanong nya nang nakatitig sa mukha ko,
"Ah..wala wala. Inaantok lang ako." sabi ko at nag-fake ng yawn.
"Oh." sabi nya sabay abot ng isang plastic bag,
"Ano to?"
"Para mawala yang antok mo."
"Waaahh! Ang dami naman nito! Thank you!" sa sobrang excite ko ay napalakas ako ng sabi kaya napatawa naman sya,
Stick-O, choco-choco, lollipop at sari-saring candy ang laman nung plastic bag. Kahit papano ay um-okay yung mood ko.
...
Naabutan ko ang mga kaklase ko na parang may kung anong pinagkakaguluhan sa desk ko. Ano kaya yun?
"Oo nga ang ganda nya talaga." sabi nung isang guy na hindi ko matandaan yung name,
Nung makita nilang nakarating na ako ay mabilis silang humawan.
"Oww, andito na pala yung ID ko!" sabi ko at agad namang naki-usyoso si Lino nung kuhanin ko yun,
Natigilan sya at hindi nakapagsalita nung mapatingin sya. Tapos ay isa-isa nyang sinamaan ng tingin yung mga tao sa paligid. Anong problema nito?
Inilibot ko din ang tingin ko at maging sa labas pala ay may mga guys ding nakasilip. Ngumiti pa sakin yung iba at ang iba naman, dali-daling umiwas ng tingin. Oh right, madami nga palang guys na nagkaka-gusto sakin, but my focus is Oyang so I've got no time to waste for them.
Nagulat na lang ako nang may umakbay sakin. Si Mutya.
Ngumiti ako nang malapad at binuklat, right in front of her face, yung plastic bag na hawak ko. Her eyes sparked instantly. She loves food more than anything.
...
Monday classes are boring af. Idagdag pa yung fact na hindi ko man lang nakasabay sa recess o lunch si Oyang dahil busy daw duon sa SSG office.
"Tara na?" sabi sakin ni Mutya pagtapos nyang magpalit ng damit para sa practice.
Inilibot ko ang tingin ko sa bawat sulok ng Function Hall para hanapin si Oyang. Pupunta kaya sya? And I don't even know if he's doing it or not. I'll quit if he's not. Because what's the point?
Nag-indian sit kami ni Mutya sa sahig habang hinihintay na magsimula ang briefing. Busy si Mutya sa pagngata sa choco-choco na ibinigay ko sa kanya. I swear, every time I look at her, she's either eating or talking lots.

BINABASA MO ANG
Mission: Act Like a Probinsyana
Teen FictionTasha, who has been trained to be the successor of her dad, a high profile secret agent, was sent to the province of Camarines Sur for an important mission to prove that she's ready to enter the work force. Her mission: act like a PROBINSYANA in ord...