CHAPTER 68

58 4 0
                                    

Chapter Sixty Eight.

Samantha Angeles

"Kompleto ba sila Hoseok hyung sa bahay?" Tanong ni Jungkook habang naglalakad kami paalis ng parking lot.

Sabay kaming umuwi at hindi ko na mapigilan ang mapangiti kanina pa dahil sa napag-usapan namin kanina.

"Oo. Sobrang nag-aalala nga sila kanina sa'yo e!" Sagot ko naman at sabay tawa.

Tumawa rin sya at huminto.

Napatingin naman ako sa kanya dahil nagtaka ako sa paghinto nya.

"B-bakit?" Tanong ko.

"Hindi parin nila alam?" Tanong naman nya pabalik.

"Ang alin?"

"Tungkol sa atin.."

Oo nga pala. Hindi pa nga pala alam nila Jhope ang tungkol sa amin. Maging si Taehyung.

Napaiwas naman ako ng tingin.

"H-hindi pa.. M-maybe sa susunod na lang muna?" Sabi ko at tumango-tango sya.

"Sa bagay, hindi ko rin naman alam kung anong sasabihin ko sa kanila."

Tumawa naman ako dahil doon.

Ano nga ba naman kasi ang magiging react nila? Lalo na si Jhope. Kung maka-react pa naman kasi 'yon, wagas.

Tapos paano sa mga Personal Assistant nila? Manager? Kay bang PD? Sa mga magulang nya? Sa mga fans worldwide?

"Okay ka lang?"

Natauhan ako mula sa aking iniisip at napalingon ako sa gilid ko.

Tumawa ako ng mahina para hindi awkward.

"H-ha? Hahaha. Okay lang ako, ano ka ba!" Sabay hampas ko ng mahina sa balikat nya.

Tumawa rin sya kaya napangiti ako.

Pagkarating namin sa bahay ng bangtan, hindi ko inaasahan ang madadatnan ko.

"Oh, JK! Nandito ka na. Ikaw din pala, Samantha!" Bungad ni Jhope sa aming dalawa ni Jungkook.

Napatingin ako kay Jungkook at bigla nagbago ang pakiramdam ko.

Pakiramdam ko, nagdilim ang paningin ko at uminit ang gilid ng mga mata ko.

'Jungkook.. You're here na, finally!" Si IU, sabay lapit kay Jungkook at nakipagbeso.

Lumingon sa akin si Jungkook at parang sinasabi na, 'Wala akong alam'

Ngumiti ako ng pilit at sabay umalis na.

Damn.

~•|•~
Vote and Comment!




Seducing Jeon Jungkook (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon