Kabanta 44: Escape

25K 755 232
                                    




|| Dessy Leondale's Point of View ||


Nasa loob kami ngayon ng clinic. Kasalukuyang ginagamot ng school nurse ang pumutok kong labi dahil sa malakas na sampal ni Mia. Nakatayo naman sa katabi ng pinto si Duri. Nakalagay ang isang kamay nito sa loob ng bulsa ng kanyang pantalon habang pinapanuod ang ginagawa sakin ng nurse.

"Bakit hindi mo man lang sinabi sa'kin?" Nilingon ko ang pabulong na nagsalitang si Tim. Nakaupo s'ya sa mono block chair malapit sakin.

Tinignan ko lang ito dahil hindi ako makakapagsalita habang ginagamot ng nurse ang labi ko. Tinaasan lamang ako ni Tim ng kilay at inirapan. Alam kong nagtatampo s'ya dahil nagsinungaling ako sa kanya. Hindi ko nga alam kung tampo pa ang tawag dito.

"What happened to your lips, hija?" Sabay sabay kaming tatlong napatingin sa school nurse nang magsalita ito. "Looks like it's not just a simple fight." Dugtong pa nito.

"Hindi naman po talaga yun simpleng away—aray naman!" Pinigilan ko sa pagsasalita si Tim gamit paa ko. Marahan ko s'yang sinipa sa binti.

"Ah, kasalanan n'ya po kasi kung bakit pumutok ang labi ko. H-hindi naman po 'yon away." Tumawa ako ng pagak at sinamaan ng tingin si Tim.

Hindi n'ya pwedeng sabihin ang totoong nangyari dahil baka mas lumala pa ang gulo at malaman pa ng buong campus ang nangyari.

Tumingin ang nurse sa nakaupong si Tim, "You're the daughter of Principal Analyn Atarah, right?"

Lumunok at ngumiti naman si Tim, "Yes, Nurse She."

"Oh, great. Alam ba ng Mama mo na you're in my clinic?" Nanlaki naman ang mga mata namin ng tanungin 'yon ni Nurse She. Sasagot pa sana kaming dalawa nang marinig namin ang boses ni Duri papalapit dito.

"Principal Atarah doesn't know about these." Nilingon ng school nurse si Duri at magkaharapan na sila ngayon. "So don't tell her about this and also clear Dessy's record on your log book."

Humarap sa'min si Nurse She at napakurap kami nang tignan kami ni Tim pareho. "Just don't touch the wound. It's small but it's too deep and it can also infect some skin of your lips. I have to go. You can stay here if you want. Good bye." Ngumiti ito at nakita pa naming tumigil ng saglit sa harapan ni Duri bago tuluyang lumabas ng clinic.

Nagkatinginan lang kami ni Tim at parehas naming ibinaling ang tingin kay Duri. Paano n'ya nagawang kausapin ng ganoon si Nurse She? Magkakilala ba sila? Wala itong kahit anong reaksyon nang tumingin samin ni Tim. Humakbang ito ng papalapit samin at hindi inaalis ang tingin sakin.

Napatikhim ako at ako naman ngayon ang umiwas ng tingin. Naramdaman ko na ang presensya n'ya sa tabihan ko at ramdam kong nakapukol ang tingin nito sakin.

"I'll just buy foods. Stay here." Ibinaba nito ang itim na pack bag n'ya sa tabihan ko. Tumango lang ako at nilingon s'ya nang makaalis na sa tabihan ko.

Nakalabas na si Duri sa clinic at nakahinga na naman ako ng maluwag.

"What's with that deep sigh?" Nabaling ang tingin ko kay Tim nang marahan n'ya akong sikuhin sa braso.

Sinimangutan ko ito at inayos ang pagkakaupo sa patient bed. "Bawal na ba ngayon ang huminga?" Asar ko rito.

Sumimangot din ito at hinampas pa ako sa hita. "Pero nakakakilig yung ginawa ni Duri. Kinilig ka ba?" Lumapit ito sakin at umupo sa tabihan ko.

He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon