Chapter 1

4 0 0
                                    


"El!! papasok kaba o hindi? bangon na! aba ang tagal tagal mong gumising naririndi na ako sa sarili kong boses kakasigaw sayo." 

"Oo na ma." sagot ng kapatid ko hays, nag aaway na naman silang dalawa, bat ba kase tulog mantika tong kapatid ko.

"Ma alis na ako babush!" sigaw ko at tumakbo palabas ng bahay , patay, mukhang late na ako dami pa namang gawain ngayon sa school. 


"Ay sorry, Okay ka lang?" adik to ah, binangga ako tas tatanungin kung okay lang? psh

"Okay lang naman." sagot ko at ngumiti sya bleh! joke lang yon gunggong! di ako okay, palibhasa kayong mga lalaki mga manhiddddd! 

"Sa Henz Computer College ka din pala nag aaral?" lol malamang halata naman sa uniform ko diba?

"Ah oo sige, una nako" sabi ko habang at inayos ang bag ko.

"Teka lang!" nakukulitan nako ah kitang nagmamadali yung tao e

"Ako nga pala si Lance Penanueva" sabay abot ng kamay nya, ako naman tong si badtrip tinapik lang ko lang, parang apir ganern lol not feeling well ako no

"LAKOMPAKE" sabay para at takbo sa isang tricycle na saktong dumaan sa kalsada. whooooh! good timing ka manong driver.

.....

Pagdating ko pa lang sa school sinalubong na agad ako ng dalawa kong chaka na bestfriend si Arianne at Marielle.

"Uy gaga kanina kapa hinahanap ni Sir Dale may biglaang meeting daw kayo in 5minutes." bungad ni Arianne.

"Eto pa malupet girl, sa 3rd floor daw, sa room nila mig hahahahahha goodluck". dagdag naman ni Marielle.

Napa roll eyes lang ako at tumakbo na papuntang hagdan, whooo! ilang meeting narin ang di ko na daluhan kaya dapat dumalo na ako this time. aja!


"I'm glad you're here Ms. Wilyn." pagbati ni sir saakin.

"Ay hehe Good Afternoon sir, miss me?" pabiro kong sabi.

Napairap lang sya at sinenyasan na akong umupo dahil magsisimula na ang meeting para sa susunod na event sa September.

So ayun talak lang ng talak tong bakla na naming teacher haha don't get me wrong mga guysue, close lang kami ni sir as in super duper close to highest level pak!

Natigil si Sir sa pagsasalita nya ng biglang pumasok ang isang gwapong nilalang na inaangkin ko sa aking mga panaginip hahaha chos! 

"Yes Mr. Clamor?" pagtatanong nya kag mig na may halong asar look saakin, aba loko tong baklang to ah.

"Ay hehe sorry sir, akala ko kasi klase namin hehe." sabay kamot sa kanyang batok. 

Cute ng g*gong to sarap upakan.

"It's okay, pero kay Wilyn hindi." nagulat ako at nagbigay ng *ANONG GINAGAWA MO LOOK* kay sir taragis natetense talaga ako pag nakikita ko si mig eh grrrr lagot ka sakin mamaya bakla ka!

"Ha? ah ano, okay lang haha!" Pa cool kong sabi HAHAHHAHA

Humingi ulit ng tawad si mig at umalis.

Nagtawanan naman ang mga co-officers ko sa SSG 

"Awiee blushie blushie hahahahaha" sigaw ng secretary namin.

"Mga baliw!" Patawa kong sabi 

Naging successful naman ang meeting at back to business na naman, nga pala, Ako si Wilyn Mae Camarador isang senior high student ng Henz Computer College, Top1 sa klase. HAHAHAHA joke seatmate lang ako nung top1 saamin di naman ako masyadong ambisyosa no? hahaha sabihin nalang natin family oriented ako,  loyal sa pag'aaral at sa kanya HAHAHAHAHA!

Umuwi ako sa bahay ng medyo pagod, tama talaga hinala ko, maraming schoolworks maygad. Pero okay lang masaya naman.

*Ting*

Napatingin ako sa notification ko sa FB, nagkakagulo na naman mga tropa ko sa GroupChat , trashtalk here, trashtalk there, asaran dito, asaran doon hahaha daming alam, at dahil di ko naman trip makisabay naglogout nalang ako at pinagpatuloy ang inaayos kong programme para sa darating na event. 

Sa kalagitnaan ng pagsusulat ko, biglang tumawag si hanna, inanyayahan nya akong lumabas at gumala, pumayag na din ako tutal wala naman akong pasok bukas at matagal na din kaming di nagkita.








Wala pa akong title chill langWhere stories live. Discover now