~Jack's POV~
Pagkababa ko sa hagdan ay nakita ko kaagad ang iba naming maids na busy sa pag aayos,sa labas man at sa loob
Birthday na kasi naming tatlo ngayon saka ang makakasama lang naman namin ay sina mommy at daddy syempre,pati na rin yung mga kaibigan nila na sina Tita Avaina,Tita Zylee,Tita Lexi,Tito Zander,Tito Nixon at Tito Blaze pati narin yung mga anak nila. Pati narin sina Lola at Lolo,hindi nga sure si Tito Jax na maka punta sila eh
Tinawagan na ako kanina ni Monica at nag greet ng happy birthday
"Kambal! Happy Birthday saatin!" Biglang sigaw ni Dustin saka nakipag manly hug saakin
"Ewww,bromance"
Tiningan naman namin si Phoebe na nasa sofa habang naka tingin saaming dalawa ni Dustin
"Utot mo,happy birthday rin" sabi ko sakanya saka ginulo ang buhok nya
"Jack!!!" Sigaw nya kaya naman tumakbo na ako papalabas ng bahay saka pumunta sa pool
Buti na lang talaga na ang birthday naming tatlo ay saktong saturday kaya okay lang na hindi matutulog mamaya
Nang may nag doorbell ay binuksan kaagad yun ng guard namin. Pumasok sina Monica,Ace,Kate,Lance at Brandon. Kasama nina Ace ang parents nila
Tumakbo naman sila papalapit saakin ng makita nila ako
"Happy Birthday!!" Sabay na sigaw nila kaya napa ngiti nalang ako
"Thank you guys! Nagugutom na ba kayo? Pumasok na kayo sa loob" sabi ko sakanila pero nagpa iwan si Monica
"Hey,happy birthday" sabi nya saka may binigay saakin na box
"Uyy,di mo naman ako kailangan regaluhin eh" sabi ko saka binuksan ang binigay nya saakin
"Wow! Ang ganda naman nito,Monica! Salamat!" Sabi ko habang tinitingnan ang bracelet na binigay nya saakin
"Ako na maglagay"sabi nya saka nilagay ang bracelet sa right hand ko
"Salamat,pasok na tayo" sabi ko saka inakbayan sya
Hinayaan nya naman ako na akbayan sya. Wala namang malisya eh,friends lang kami
"Oh ayan na pala ang mag syota!" Pang aasar ni Kate saamin ni Monica
"Lol,friends lang kaya kami. Diba?" Sabi ko saka tumingin kay Monica
Tumango naman sya saka ngumiti sakanila kaya tumingin rin ako sakanila
"Kain na tayo" sabi ko saka pina upo si Monica
Tabi naman kaming dalawa eh kaya okay lang. Mamaya pa daw dadating ang kwek kwek eh sabi saakin ni mommy
~*~
Dumating narin ang kwek kwek na order namin. Nagpapasalamat nga si manong saamin eh dahil malaking tulong daw ito sa pamilya nya
"Ano yan?" tanong ni Lance saakin habang tinitingnan akong kumakain ng kwek kwek
"Try mo,masarap" sabi ko sakanya kaya naman tumayo sya saka kumuha ng isang kwek kwek
"Ang sarap pala nito eh! Street food to diba?" tanong nya saamin kaya tumango na lang ako bilang sagot
Busy ako sa pagkain ng kwek kwek eh,kaya shut up na lang sila {lol}
~~~~
Hope you enjoy!Elaine Phoebe Ledesma story is now publish!
Completed na yun,please support it too😊 thanks in advance!😘
winternessa <3
BINABASA MO ANG
The coolest girl ive ever meet {Completed}
Fanfiction"She's the coolest girl ive ever meet" ~ Kristoff Jack Ledesma ~~~~~~ {You can read the story of Jack's parents, Jasper's Property💙} {Jack's twin/sister story: Journey from hatred to love Jack's twin/brother story: Three sided love} {PS: Please do...