Chapter 19

55 7 0
                                    

Tahimik ang byahe namin pauwi ni Chuck, hindi na nya ako sinubukang kausapin pagtapos ng short conversation namin kanina. Binuhat nya lang ang box ko at sumakay na kami sa elevator, hindi na rin ako nagsalita nang pinindot nya ang button for the Basement parking. I actually had no strength left para magsalita so hinayaan ko na lang sya.

While we were on our way sa bahay I felt like it was the end and also the beginning, of what I'm still not sure pero I knew na wala akong choice but to go with the flow. Na hayaan ko na lang munang mangyari kung anong mangyayari, ganun naman ang buhay diba? Sometimes you just have to live your life, at kung ano man ang mangyari ay mangyayari whether you like it or not.

I also took this time para tingnan lang sya habang nag-ddrive, sino namang mag-aakalang mangyayari sakin ang ganito diba? Feeling ko isa akong bida sa mga pinapanood kong pelikula. How I wish eto yung part ng pelikula na mag-ro-roadtrip yung main characters, the guy drives at yung isang kamay nya nakalagay sa manibela, yung isa is either nakapatong sa hita nung babae or nakahawak sa kamay nya.

Hindi ko namalayang nakatingin pala ako sa mga kamay ni Chuck nung nagsalita sya, "Bakit ganyan ka makatingin?"

I realized nakatitig pala ako sa kamay nya at sya naman nakaharap na sa akin kasi naka-park na kami sa tapat ng bahay.

Nagbuntong hininga lang ako at napailing, word vomit starts in 3, 2, 1.

"Naisip ko lang na parang ang bilis ng panahon kasi a few weeks ago iniiyakan ko pa yung ex boyfriend ko and at that time ang only focus ko lang ay maka-recover sa heartbreak. Weeks later eto na ako, sobrang kakaiba ng mga nangyayari at hindi ko alam kung pano ako nakarating dito sa point na ito."

Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya, "I've always been the girl sa klase na tamad, puro kaartehan sa katawan, hindi masyado nagseseryoso sa buhay so I guess kakaiba sa akin na magseryoso pero pagpasok ko dun sa Company I felt different. Feeling ko may silbi ako, feeling ko ang galing galing ko pag may natatapos akong report, pag sinasabihan nila ako na magaling ako. I mean, nakakasarap sa pakiramdam to be needed like that at nung kinausap ako ni Ms. Montes earlier I felt confused but at the same time sobrang proud ako sa sarili ko." Humihikbi na ako kakaiyak pero hindi ko napigilan ang mag-open up sa kanya, "Naramdaman ko yung mga taon bago maranasan ng ibang tao, yung pinili ka. Yung marami namang iba pero ikaw yung napili? Alam mo yun? Hindi madalas nangyayari sa akin yun e pero eto na, nandito na sya, whether or not may kakaibang reason para mapunta ako dun sa pwestong yun I realized lang na nagtabaho rin naman ako. Pinaghirapan ko rin naman ito kaya dapat lang sigurong maging masaya ako para sa sarili ko."

Nung tumingin ako sa kanya nakita kong nakangiti sya pero he doesn't say anything so tinuloy ko na.

"At eto na nga, isang blessing ang dumating sa akin pero hindi ko alam kung ano ang catch, kung ang catch ba is makukuha ko ito pero may kapalit? Ganun ba yun? Parang ang unfair naman diba? Hindi ba pwedeng makuha ko naman lahat kahit minsan lang?"

He sighed, "So you feel like you have to sacrifice something else because you got this promotion?"

Pinunasan ko ang luha ko gamit ang panyo nya, "Oo. Feeling ko ganun."

"Why? Why would you think that?" He looked really confused.

Sige na, sabihin mo na, it's now or never, "Syempre kasi diba, parang ang weird ng timing e, I mean I've been working there for two years, then I meet you tapos we become friends tapos a few weeks after na-promote ako dahil sa talent ko? Parang hindi ko maisip na yun lang ang dahilan, I think kaya ako na-promote is because we're getting close." Yumuko ako at pinaglaruan ang panyong hawak ko habang nagsasalita, "I mean, diba kasi ex mo si Ms. Montes so I think she just wants me closer to her para mabantayan nya ako, parang diba yung 'keep your friends close and your enemies closer' ganun."

Hindi sya nagsalita at pag tingin ko sa mukha nya I think I see... disappointment? Kahit na hindi sya gumalaw sa pwesto nya I saw his face as it changed from disappointment to sadness and then he closed up, it's like he built a wall between us and he finally spoke while nodding, "I see."

Syempre sa katangahan ko hindi ko na-gets kung ano yung 'I see' nya so nagtanong ako, "Anong ibig mong sabihing 'you see'?"

Nabigla ako nang bigla nyang binuksan ang pinto at lumabas, kinuha nya ang kahon ko sa back seat at syempre nagmadali rin akong bumaba, iniwan nya ang box sa tapat ng gate namin pero bago sya sumakay sa kotse, humarap sya sakin, "I see that I was right when we first talked. That you overreact, you got inside that head of yours that every little move this world makes revolve around you. I see that you have decided to judge a situation without proof, I see na you're full of self doubt that you can't accept that you deserve the blessing you've received. I see that you've taken a good situation and turned it into a nightmare."

Dati pag tinititigan ako ni Chuck parang hindi ako makahinga dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko, ngayon ganun pa rin pero in a very very bad way, parang nag-iba na ang ihip ng hangin, parang ang sama ng pakiramdam ko para akong nasusuka, ganun.

Umatras sya at pinasok ang mga kamay nya sa bulsa nya bago sinabing, "I hope you learn to be thankful for all the things you have going for you. I wish you the best of luck sa bago mong trabaho." Then he walked to the car at bago pa sya umalis sinabi nyang, "I'll see you around" - the famous last words of Mr. Charles Santos.

She's So Extra (Kiligserye Book1) | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon