Chapter One

46 4 1
                                    

Vianne

"Tangina naman, Vianne. Lagi ka na lang late. Hindi ba sinabi ko na sayo, I don't like waiting," Sabi ni James Joseph V. Laudes. First day of classes kasi namin, we're already grade 11.

"I'm sorry, bub. It was only five minutes. Next time talaga," Sabi ko sakaniya sabay ng pag paandar niya ng kotse niya. Papunta na kami ng school, St. Clare's Academy of Legazpi. Hindi naman siya kalayuan sa bahay kaya madali rin naman kaming nakarating ni James.

Bumaba na kami ng kotse niya at nag lakad papunta sa pergola. There I saw my 3 lovely best friends: Patricia, Margarita and Jecca. We've been together for a long time, grade school pa lang mag kakasama na kaming apat.

"Vianne! We're happy to see you again!" Sabi ni Marga, sabay yakap at beso saakin.

"Girl, hindi ka pa nasanay na lagi silang mag kasama ni James," Sabi naman ni Pat at niyakap ako.

"Shh girls, let's just go to our classrooms! Hindi pa naman tayo mag kakaklase kaya hatiran tayo. Ang sad nga eh, hindi ko man lang kaklase si Jax," Sabi naman ni Jecca at sabay yakap saakin.

"Vianne, tayong dalawa ang classmates. Classmate rin pala natin si James, kaya we have no problems na," Sabi ni Pat.

"Kami naman ni Jecca ang mag kaklase. Jax's classroom is near with ours so no worries!" Singit naman ni Marga.

Nag ring na ang bell kaya nagka-yayaan na rin kami na pumunta sa kaniya kaniyang classrooms.

Nag lalakad kami nila Patricia and James papunta sa classroom namin. Nauuna si Pat kasi ayaw niya daw na maging hadlang saamin. Nagulat na lang ako nang pigilan ako ni James mag lakad.

"Pumunta ka sa tailor natin, ngayon na," Nagulat ako at tiningnan siya.

"Why?"

"Look at your skirt! It's too short. There are lots of perverts here, hindi ka nanaman saakin sumunod," Sabi niya at halatang iritang irita siya.

Hindi naman ako pwedeng mag pahaba ng skirt kasi mag mumukha na akong madre niyan. Our dress code for ohr skirt is in the middle of our thighs.

My boyfriend, James Joseph is so protective. He wants me to follow him all the time. Naiintindihan ko naman siya kasi inaalagaan niya ako, pero ngayon hindi ko napigilan sarili ko.

"James, okay lang naman ah? Hindi naman siya mini skirt," Sabi ko at lumaki ang mata niya.

"Seryoso ka ba? Eh konti na lang makikita na shorts mo eh. Sumunod ka na saakin. Mamaya, after homeroom get that fixed," Hindi na ako nakasagot kasi nauna na rin siya saakin mag lakad papunta sa classroom. Nakita ko naman sa may pinto si Pat, waiting for me.

"What happened? Ba't ka natagalan?" Tanong niya.

"Pinapaayos kasi saakin ni James yung skirt ko eh, maikli daw," Tiningnan naman ni Pat yung skirt ko at tumaas ang kanan niyang kilay.

"What the hell? Is he serious? Don't get that fixed, it's actually an inch longer than the standard length," Hinila niya na ako papasok sa classroom at pinaupo niya ako sa tabi niya.

"Hey, Vianne! Over here," Tumingin ako sa tumawag saakin at nakita ko si James, tinuturo yung upuan sa tabi niya. Tinuro ko naman si Pat sa tabi ko, pero umiling lang siya at pinapapunta pa rin ako sa tabi niya.

Almost Is Never EnoughWhere stories live. Discover now