Chapter one

10 1 0
                                    


Shane's P. O. V

Kalilipat lang namin ngayon dito sa San Agustin sa Laguna ngayong araw. Na promote kasi si papa sa kanilang kompanya sa davao at dito sya ngayon madidestino sa laguna. At syempre mag aadjust na naman ako sa bago kong papasukan na skwelahan.

Sa davao pa lng palipat lipat na kami ng bahay at sa bawat lipat nmin pati ako palipat lipat din ng skwelahan kaya nga wala akong mga kaibigan e. At ngayon ang unang araw namin ni mama dito sa San Agustin, nauna na kasi si papa dito para ma fix na lahat ng kailangan nmin bago kami umalis ng davao kasi nga daw regular na sya sa kompanya nya rito at baka dito na rin talaga kami titira.

Ngayon andito lng ako sa kwarto ko, nakadungaw sa bintana at tinitingnan ang mga taong dumadaan sa may kalsada. Medyo malaki rin ang bahay na inuupahan namin ngayun, di katulad sa tinitirhan namin sa davao na maliit na apartment.

'shane!' sigaw sa akin ni mama.

'ay kalabaw! ' gulat kong sabi.

'kanina pa kita tinatawag sa ibaba, akala ko nga't nakatulog ka na sa pag aayos mo dito sa kwarto mo pero heto nakakalat parin!!! Dyos ko nimong bataa ka!' nakapameywang pang sermon ni mama sa akin.

'Mamaya na lng po ako mag a-arange dito ma, tutulungan ko na lng po kita sa ibaba'. At hinila ko si mama sa baba kasi hindi yan titigil sa kakatalak.

'halika na po' pinauna ko si mama lumabas at sinara ko na ang pinto sa kwarta ko.

Habang pababa kami nang hagdanan 'di parin tumitigil si mama sa kakatalak.

'alam mo naman na pasukan na bukas at ako na lng ang maiiwan dito maglilinis bukas. Hay nako nimu shane magtatapos kana ng high school pero ewan ko ba parang wala ka namang alam na trabaho, kahit sa pagluto di mo pa alam. Buti na nga lng at washing machine gamit natin sa paglalaba dahil kung hindi pa 'ay naku ewan ko lng... ' walang katapusang sermon ni mama.

Mag tatapos na ako ngayong pasukan sa high school pero parang ang boring ng buhay ko. Alam nyo yung parang hindi ako nag eexist sa world. Ewan ko ba hindi kasi ako mahilig makihalobilo masyado hindi naman ako nerd o libro lage ang kaharap kaya walang friends, hilig ko nga lng e magbasa sa cellphone ng wattpad.

'shane! ' sigaw ni mama sa akin at binatukan ako nag pagkalakas lakas.

'ouch' napakamot ako sa ulo ko sa sobrang sakit. ' mama nman, ang sakit kaya.. ' reklamo ko.

'ah ganun, gusto mo ulitin ko pa??!!' akmang uulitin ni mama ang pagbatuk sakin pero nakatakbo agad ako sa likod ng upuan (hahaha bilis ko no??)

'ba't po kasi kaayo nangbabatok agad..' pa sweet kong sabi.

'abay kanina pa ako nagsasalita dito at hindi ka pala nakikinig sa'ken!' sabi ni mama.

'nakikinig ho ako, hindi nyo lng alam' sabi ko naman habang pinupulot yung mga plastic at karton na pinambalot namin sa mga gamit namin.

'Itatapon ko lng po itong mga basura sa labas ma..' sabi ko sabay labas ng bahay bitbit ang napalaking cellophane na may lamang basura.

Sa gilid lng ng kalsada malapit sa bahay namin ang lagayan ng basura kung saan kinukuha ng mga kolektor ng basura tuwing alas sais ng hapon. Pagkatapos kong ilagay ang basura ay biglang may isang napakabilis na sasakyan ang dumaan at ka muntik-muntikan na akong masagasaan.

'lokong yun ah!' Bulalas ko sa ngayo'y malayo nang sasakyan na halata mong mayaman ang may ari dahil sa ganda nung sasakyan.

'tsk! Porket mayaman 'kala mo e may-ari na ng kalsada, pweee!' galit kong sabi pero mahina lng baka may makarinig saken at pagkamalan pa akong buang (baliw).

Sa wakas natapos din kami sa pag-ayos ni mama ng mga gamit sa bahay pati sa kwarto ko tapos na din ako mag ayos. Katatapos lng din namin kumain ng hapunan. 8pm na ngayon at pagod na pagod ang katawan ko. Bukas ay panibagong buhay na naman ang haharapin ko. At sana maging maayos ang lahat bukas. Sana.

*********

A/N

Hello po 😊😊 thank you po sa pagbasa nung story ko. Sorry medyo maiksi, first time ko pa kasi gumawa ng story sa wattpad. I hope na mag enjoy kayo sa pagbabasa nito. Thank you 😊😊

'I Love You' sa TagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon