Rio de Janeiro, Brazil
Noong pitong taong gulang pa lamang si Samina ay pumupuslit talaga siyang kumain ng candy kahit pa pinagbabawalan siya ng mga magulang niya. Makakasira raw kasi ito sa ngipin niya. Ngunit gusto talaga niyang ma thrill eh, sa murang edad gusto niyang maranasan kung pano suwayin ang mga ipinagbabawal sa kanya.
Katulad din ito ngayon, gusto na naman niyang maranasan ang thrill sa buhay kaya gumawa siya ng specialized program laban sa money laundering. Makakatulong din naman ito sa pag detect sa ilegal na transaksyon ng pera. Ngunit alam niyang mapanganib ito dahil ilegal din itong ginagawa niya. Nagawa lang naman niya ang programang ito para lang may mapaglibangan siya sa tuwing wala siyang pasok sa trabaho. Magastos kasi ang maglakwatsa kaya minabuti niyang magpermi sa kanyang apartment at bigla nalang niyang naisipan ang paggawa ng programa.
Tuloy naging paranoid siya lately, para kasing may mga matang laging nakasunod sa kanya kahit nasa bangko man siya o sa kanyang apartment. At sa tuwing magbabyahe siya pauwi galing sa trabaho, para talagang may sumusunod sa kanya. Naibsan lang ng konti ang kanyang takot dahil maliwanag pa naman sa tuwing uuwi siya sa kanyang apartment.
Pero hindi talaga niya maiwasan na hindi mag-alala kasi dala-dala niya araw-araw ang flash drive. Ayan na ang napala mo Samina, pakialamera ka kasi. Aish! Nagtatalo na naman si ID at si SUPEREGO sa loob ng kanyang braincells. Ang nilalaman kasi sa kontrobersyal niyang flash drive ay mga personal account ito sa mga kliyente nila sa bangko na hindi niya dapat kinokopya kasi bawal nga. At sa ginawa niya, marami siyang nilalabag na polisiya sa bangko at tiyak na mawawalan pa siya ng hanapbuhay.
But she had to get the data results from the algorithm straight in her head. Hindi pa rin niya uurungan ang natuklasan niya hangga't maresolba niya ang misteryong nakabalot nito.
Buti nalang at hindi siya nilaglag ng kanyang bossing nang sabihin niya rito ang tungkol sa programa niya. Close rin kasi sila nito. Ang gusto lang nitong mangyari na ibigay rito ang kopya ng programang ginawa niya para daw matingnan nito ang kahalagahan niyon. Ngunit ang sabi ng kanyang instinct na huwag daw niya itong basta-basta nalang ibigay kanino man. Kaya tuloy nagugulohan na siya. May karapatan din kasing malaman ito ng bossing niya.
Napukaw lamang siya mula sa malalim na pag-iisip ng bugahan siya ng usok mula sa papaalis lang na bus. Naubo tuloy siya. Bwiset! Narito kasi siya sa bus station kung saan naghihintay siya ng masasakyan pauwi. Ngunit nararamdaman na naman niyang may mga matang nakatitig sa kanya. Kaya palihim niyang inoobserbahan ang paligid, pero wala siyang kahina-hinalang nakita.
Ayan kasi eh, ito rin ang napapala niya sa kakapanood ng horror movies. All-time favorite kasi niya ang mga iyon. Gusto talaga niya ang makapigil-hininga na thrill pag manonood siya non.
Simula pagkabata iyon na talaga ang nakahiligan nilang panoorin ng mga kaibigan niya. At pagkatapos nilang manood, maglalaro naman sila ng multo-multohan.
Habang nakasakay na siya ng bus, hindi pa rin mawaglit sa kanyang sistema ang kakaibang pakiramdam. Kaya't palihim siyang napapasulyap sa mga nakasabay niyang pasahero. Normal lang naman ang nakikita niyang pang araw-araw na pasahero. Gaya ng isang ina na may dalawang maliit na bulilit na katabi nito. Mga naka uniporme na studyante at trabahante. At mga binatilyo't dalagita na abalang-abala sa kakatipa sa kanilang cellphone.
Wag ka ngang masyadong paranoid, Samina.
At para ma divert ang lahat ng iniisip niya, kinuha niya ang phone mula sa kanyang bag at dinayal ang numero ni Clarkson. Si Clarkson lang naman ang bestfriend at kababata niya since gradeschool. Magaling din ito sa math. Ito rin ang tumulong sa kanya kung bakit naririto siya ngayon sa Brazil. Ngunit hindi na niya ito gaanong nakakausap simula ng mag-asawa ito at magka-anak. Pero paminsan-minsan naman dinadalaw niya ang mga cute na mga chikiting nito.
BINABASA MO ANG
Tough Hunks Series (7) Lander : The Defender
AcciónLander Veracruz - Isa sa pinakabagong agent ng interpol, kinuha siya ng tiyuhin simula ng maging direktor ito sa naturang organisasyon. Bilang isa sa baguhang agent, agad siyang isinabak sa isang misyon sa bayan niyang sinilangan sa Brazil. Ang kany...