Hinahanap Pa rin ay Ikaw

103 2 0
                                    

Nakalimutan ko nang gumawa ng magandang tula,
Nakalimutan ko ng gumawa dahil natuto na akong tumawa at walang iniisip na nawala.
Subalit ngayon sumagi kana naman sa aking isip at naalala ko na naman kung paano ako kumapit.
Kung paano ako kumapit noong nararamdaman ko nang gusto mo nang bumitaw.
Kung paano ako nagbulag-bulagan noong gusto mo nang umayaw.
Kung paano ako lumaban nung naramdaman kung gusto mo nang sumuko.
Kung paano ko ipaalala ang mga pangako mo na malapit nang mapako.
Kung paano ako nanindigan noong naramdaman kong malapit mo na akong iwanan.

Gusto ko nang kalimutan lahat pero sa isang iglap na para bang may kidlat, muli kang sasagi sa aking isipan at babalik ako sa nakaraan kung paano mo ako iniwan, tinalikuran, tinakbuhan, binitawan, sinukuan, at hinintuan, oo hinintuan, hinintuan na mahalin.

Pero wala naman akong magagawa kundi umiyak at tanggapin na hanggang doon na lang talaga, wala kana at ako na lang mag-isa.
Kailangan na kitang palayain sa puso at isip ko subalit huwag mong asahang agad kong magagawa sapagkat nagmamahal ako nang totoo.
Dahil ang nagmamahal nang totoo ay hindi basta nakakalimot.
Ang nagmamahal ng totoo hindi nagiging madamot.
Kung humingi ka nang kalayaan, papalayain kita.
Kung gusto mo na na ako'y iwan, sige umalis kana.
Kung gusto mo nang tapusin ang lahat, sige tumalikod kana.

Pero wag mong kakalimutan na sa pag-alis mo at kabiguan lang ang iyong napala huwag kang mag-alinlangan na bumalik sa akin at muli akong yakapin.
Sapagkat ibubukas ko ang aking dalawang kamay para muli kang hagkan, tanggapin at mahalin muli.
Ay mali, hindi pala mahalin muli, hindi pala mahalin muli sapagkat hindi naman ako tumigil talaga na mahalin ka, hindi ako napagod na umibig sa tulad mong tinuring kong mahalaga.

Kaya sa susunod na magmamahal ka at nasaktan.
Nandito parin ako, hindi para magtanga-tangahan kundi bigyan ng pagkakataon hindi lang ikaw kundi ang puso kong sa pag-ibig mo ay nauhaw.
Ayokong magsinungaling sa puso, isip o sarili ko na hindi na kita mahal, dahil sa araw-araw ang hinahanap ko parin, ang hinahanap ko parin ay laging ikaw.

Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon