Three weeks later
"Ma'am, may two o'clock meeting pa kayo, you need to hurry." Hawak-hawak ko ang kape ni Ms. Montes sa isang kamay habang bitbit ko sa kabilang braso ko ang laptop bag nya, si Ms. Montes naman nagmamadaling tapusin ang lunch nya na halos mabulunan na sa bilis ng pag-nguya nya ng sandwich na binili ko.
"Sorry Andi." Nakangiti nyang sabi sa akin, kinuha nya ang coffee sa kamay ko at dali dali ko syang sinundan papunta sa next meeting nya sa 20th floor.
I don't know why Andi ang binigay kong nickname kay Ms. Montes nung tinanong nya ako kung anong pwede nyang itawag sa akin, I think it's because that name reminds me of someone na nakitaan ng potential to be someone that's worth something. Alam mo yun, it's a name I associate with a better me, because that's what I am right now – still me but a better version, Olga 2.0. Someone who doesn't cry over small things, someone who's professional enough para isantabi ang personal na nararamdaman para sa trabaho and someone who can stand on her own two feet.
After naming mag-usap namin ni Sir Chuck (balik sya sa Sir Chuck dahil katrabaho na lang ang tingin ko sa kanya ngayon) narealize kong kahit na masakit yung mga sinabi nya, he was right. Not everything na nangyayari sa mundo ay tungkol sa akin, when I started a month ago bilang assistant ni Ms. Montes, I realized how badly she needed an assistant at the time. Ang gulo ng schedule nya, patong patong ang meeting, ang documents nya for signature nag-pile up na, yung mga dapat i-forward sa ibang departments naipit na sa kanya.
My first week was super hectic dahil inayos ko lahat yun and she was sobrang thankful sa pagdating ko daw sa buhay nya. That's realization no. 2, she is one of the nicest people I have come to know. Super humble at walang ka-ere-ere sa katawan, hindi rin nakakagulat kung bakit sya nagustuhan ni Sir Chuck, at naintindihan ko na rin kung bakit ganun na lang ang reaction ni Sir Chuck nung huli kaming nag-usap. I judged her nang wala namang basehan.
My life's pretty normal these days, I haven't had the chance to talk to Sir Chuck again and I'm super thankful that I don't have to. Never pang naging topic sa usapan namin ni Ms. Montes ang personal relationship nya kay Sir Chuck, she's never mentioned him and I never asked her about it. Like I said, isinantabi ko na muna ang personal kong mga tanong dahil gusto kong maging professional sa trabaho ko.
And if I do say so myself, I am a pretty good assistant and I can confidently say that I deserve this promotion. It's a great feeling to say that and I tell myself that everyday, mejo napupunta na yata sa ulo ko pero bakit ba, it's okay to feel good about things you get when you work hard for it.
Nakatingin ako sa display ng floor number sa elevator nang nag-ding ito at bumukas, at I swear kung tao lang si Kapalaran makakatikim sya sa akin ng isang bonggang sampal sa mukha, dahil eto habang kasama ko ang boss ko sa elevator bigla namang sumulpot ang taong isang buwan ko nang ipinagdadasal na hindi makita.
Nagulat si Sir Chuck nang makita kami sa elevator pero syempre dahil wala syang keme sa katawan, sumakay sya.
"Hey Charles." Magiliw na bati ng boss ko sa ano... ewan... di naman naging kami so wala akong maitawag sa kanya. Naging 'ano' ko? Ano ba yun, ang pangit.
"Hey Claire."
Muntik akong mag-eyeroll kasi ngayon ko lang na-realize na pareho silang "C", kabwiset diba? Parang may isang malaking samurai ang tadhana at paulit ulit akong sinasaksak sa dibdib. Naisip ko lang yung itsura nung malaking samurai at kung paano kakasya yun dito sa maliit na elevator, sa kakaimagine ko napatawa akong mag-isa. Alam mo yung tawang parang utot ang tunog na lumabas sa bibig mo, napalingon silang pareho sa akin so tinakpan ko lang ang bibig ko at nag-sorry.
"May naalala lang akong nakakatawa." Nakangiti pa rin ako habang tinitingnan ang numbers paakyat sa 20th floor.
Ni-bump ni Ms. Montes ang balikat ko, "Share mo naman."
At ewan kong anong sumapi sa akin pero parang gusto kong ipamukha kay Sir Chuck na okay kami ng boss ko so ang sabi ko, "Maya na lang ma'am pag tayo na lang."
Natawa sya at syempre dahil perpekto sya at hindi baboy na kagaya ko, tinakpan nya ang bibig nya habang tumatawa, sabay sabi sa akin na, "Sige. I think I'll need a good joke after nitong meeting namin."
Naku naman, so kailangan ko pa ngayon mag-isip ng joke para dito mamaya.
Nag-ding na ang elevator at isa isa na kaming bumaba, nauna si Ms. Montes at dahil gentleman sya at perfect silang dalawa, pinauna nya ako. Hindi ko sya tiningnan at sumunod na ako kay Ms. Montes, lumingon sa akin si Ma'am at kinuha ang laptop bag nya, pumasok na sya sa meeting room at bago pa ako maka-escape naramdaman ko ang paghawak ni Sir Chuck sa siko ko.
Olga 1.0 would have made a scene, siguro i-she-shake ang mga braso para bitiwan nya ako sabay may pag-sigaw na, "Leave me alone! You had your chance!" charot.
Pero si Olga 2.0 a.k.a. Andi? Wala na syang mga outbursts of humiliating word vomit so I turned around and looked at him, I raised my eyebrows, "Yes, Sir?"
He shook his head, "Don't do that."
I tilted my head to the side, "Do what?"
Umiling ulit sya at nilagay ang mga kamay nya sa bewang nya, "We need to talk."
At dahil hindi pa ako totally okay to be honest, I stepped back at sinabing, "If you need anything you can just send me an email Sir and I'll try to get it done for you. I have things to do so if you'll excuse me." Nag-side step ako para makalagpas sa kanya pabalik ng elevator.
I didn't totally felt safe until magsara ang pinto at naramdaman kong gumagalaw na ang elevator pababa, dun lang ako nakahinga at napaluha.
***
I still felt weird sa office kahit na alam kong hindi ako pupuntahan ni Sir Chuck sa cubicle ko at maghapon akong ninenerbyos kasi alam kong ayaw nyang hindi nasasabi yung gusto nyang sabihin and after kong tumakas kanina alam kong hindi sya titigil hanggang makausap ako. Pero ang laki ng problema ko kasi I'm not ready. So I made sure na makatakas ako, I went with crowd, sumabay talaga ako ng rush hour para walang chance na lapitan nya ako dahil maraming tao.
I only felt mejo safe na when I was walking the street namin pero nagulat akon nang may makita akong familiar car sa tapat ng bahay namin. Oh my God. After all that I did diba? Nalimutan kong alam naman nya kung saan ako nakatira.
Nakasandal sya sa kotse nya at dumerecho sya ng tayo nung makita nya ako, "Hey."
I rolled my eyes, "I'm tired so pwede ba, sa ibang araw na lang tayo mag-usap."
Lalampas na ako sa kanya para makapasok ng gate pero hinawakan nya braso ko at dahil super daming emotions na nagsasabay sabay sa dibdib ko ngayon hindi ko na napigilan ang sarili ko, "No." I shrugged his hand off at hinarap sya, "You had your chance to talk to me last time diba? You told me everything you wanted to tell me and I let you, I respected you and what you had to say kahit na hindi ako nag-agree sa lahat ng sinabi mo. Pero you can't choose when you want to talk to me and expect me to be ready to hear it."
I sighed, "I am tired, and I just want to go home and rest."
Pumasok ako ng bahay at gaya nga ng sabi ko sa kanya, dumerecho ako sa kwarto ko, hindi na ako nakapagpalit ng damit at derecho nang nakatulog.

BINABASA MO ANG
She's So Extra (Kiligserye Book1) | ✅
Romance"Pagdating sa pag-ibig ayaw ko ng sakto lang, ang gusto ko yung pag-ibig na nakakawasak ng pagkatao. Mas gugustuhin ko nang magmahal ng tunay, magmahal ng EXTRA kaysa sa nagmahal ka nga hindi mo naman tinodo 'di ba? Para saan pa?" - Olga Andrea Mart...