Maaga din akong umahon sa dagat nung kinagabihan kasi feeling ko kulang na kulang ako sa pahinga at kailangan kong matulog nang maaga. Isa pa, wala din akong balak sumama sa inuman ng tropa kasi alam ko namang maa-out of place na naman ako kasi siguradong ang topic na naman ng usapan namin eh yung bagong kasal kong bestfriend. Mahirap kayang magpanggap na natatawa ka rin sa mga pinag-uusapan nila kahit ramdam na ramdam mong napaka-awkward na ng sitwasyon.
Alas onse na ng gabi nang bigla akong magising dahil sa katok ng ka-room mate ko na si Rose.
"Buksan mo to!" sigaw ni Rose mula sa labas ng kwarto. Alam kong lasing siya.
Disgusted, bumangon ako at dumerecho sa pinto. "Hindi pwede. Di ba ang napagkasunduan natin bawal kang malate ng balik dito sa kwarto sa gabi?"
"Ano ba? Lalamukin na ako dito."
"Hindi!"
"Sige na. Sorry na if i break our agreement. Please..."
"Dyan ka matulog!"
"Grabe ka naman. Nakakatakot kaya dito. Ang dilim dilim baka may humigit na lang sa akin dito."
"Feeling ko nga may multo dito sa lugar na to. Kakaiba yung naramadaman ko dito noong una pa lang," pananakot ko.
"Ano ba?!!! Di ka ba titigil? Ano bang ginawa ko sa yo at ang sungit sungit mo sa akin? Ano bang kasalanan ko sa iyo?"
Dahil hindi mo ako hinintay. Dahil isinuko mo yung puso mo sa iba. Dahil di mo ako pinagbigyan.
Gusto ko sanang sabihin sa kanya ang mga yan kasi alam ko namang di rin yan tatanim sa ulirat nya dahil nga lasing siya.
"Madami."
"Ha? Gaya ng ano???"
"Gaya nang..."
" James bilisan mo na. Maraming lalaking palapit dito sa may area natin. Baka kung anong gawin sa..."
Saka ko lang binuksan ang pinto. Sumubsob siya sa akin kasi nga paharap na nakasandal pala yung katawan niya sa pintuan. Napabuwal kami sa sahig.
"Ano ba yan?! Basang basa ka pala napadikit ka pa sa akin!"
"Ok lang yan. Gusto mo ako na maghubad? Hahaha"
"Tumigil ka dyan."
"Ikaw, para ka ring babae. Ang arte-arte mo na ang sungit-sungit mo pa. Bakla ka siguro James?"
"Baka gusto mong halikan kita dyan para mapatunayan kong lalaki ako."
Biro lang yun syempre. Akala ko sasampalin nya ako dahil sa sinabi ko pero hindi. Imbis na magalit sya iniumang pa nya ang nguso nya sa akin at sinabing " Sige nga halikan mo ako..."
Ang alam ko ay lasing sya at wala sya sa katinuan nung mga panahon na yon. Pero parang nanlambot ang tuhod ko na para rin bang gusto ko na rin siyang halikan at kuhanin ang pagkakataon kasi alam ko namang wala siyang matatandaan sa mga mangyayari.
Konti na lang at maglalapat na ang mga labi namin nang biglang...
"KADIRI!!!" Bakit mo ako sinukahan??"
At nangyari na nga ang ikinatatakot ko dahil sumuka siya sa white tshirt ko mismo (patay ako sa nanay ko).
"Sorry my honey, Jeremiah..."
Jeremiah ang nabanggit nya. Lasing nga talaga siya at di niya alam ang ginagawa niya.
Ipinasok ko siya sa CR at doon sa bowl ko siya hinayaang sumuka. Grabe ngayon lang nagyari sa akin ito.
Hinubad ko ang tshirt ko at hinugasan sa lababo. Nang biglang may nagpasukan sa kwarto namin at narinig ko ang boses nina Becky, Yazzi, at Maron.
"Rose! Yung relo mo naiwan mo dun sa kubo," sabi ni Maron.
Lumabas ako sa CR nakaboxers lang kasi nga hinubad ko yung tshirt ko.
"Oh my God youre so hot baby!" maharot na sabi ni Becky.
"Ay James andyan ka pala. Nasaan si Rose?"
Gusto ko sanang magsinungaling na lumabas ng kwarto si Rose kasi alam kong bibigyan nila ng malisya pag nalaman nilang parehas kaming nasa CR with me topless and her in bikini. Sasabihin ko na sanang "Uhm...lumabas..."
Sabay labas ni Rose ng CR at yumakap pa sa akin sabay sabing "Honey, bihisan mo na ako."
"GOSH!!!!!!!" sigaw ni Becky.
"James, alam mo bang ginagawa mo?" nakakainis na tanong ni Yazzi.
"Pare, kasal na yan," dugsong pa ni Maron.
"Hoy!!! Ang dudumi nyo mag-isip!"
"Hi guys, anjan pala kayo. Si honey kasi eh," pinalala lang ni Rose ang sitwasyon.
"At, honey???" sabay-sabay na nasabi ng tatlong tropa kong TH (tamang hinala).
Umarteng umiiyak si Becky sabay sabing "Mga taksil kayo!"
"Huh?" tanong ni Yazzi.
"There was never an us," sabi ko kay Becky.
BINABASA MO ANG
PLS. 4GIVE ME
RomanceKarma na siguro para kay James ang maramdaman ang naramdaman dati ng bestfriend nya nung binasted nya ito (lupet...lalaki ang nambabasted). Nasa huli talaga ang pagsisisi lalo na kapag inuna mo ang takot kaysa sa totoong nararamdaman mo. Pero ilang...