Sana ma-enjoy nyo ang chapter na ito. NA-enjoy ko kasi yung pagsusulat nito. Haha. :) Happy reading! :D
============================================================
TWENTY-SEVEN
Happy Sunday
LUIGI'S POV
Minadali ako ni Eva maligo. Aish! Sinabi ko na nga sa kanya na di ako nagsisimba pero pinipilit nya ako. Nagdahilan na rin ako na wala akong alam na simbahan na malapitan pero ang sabi nya ay may alam daw sya. Di na daw kailangan pang magkotse kundi lalakarin lang. Alam nyo kung saan?
"Dito sa village nyo may chapel ah. Kita ko kaya." sabi nya. Alam nya yun pero di ko alam. At paano at kailan nya nalaman yun? Tss. Wala na akong nagawa kundi sumunod na lang. At heto kami, papunta na ng west division ng village namin.
"Ang init init! Pwede naman magkotse!" reklamo. Takte talaga! Mga 10 minutes pa ang lalakarin makapunta lang doon.
"No problem! Ito oh..." naglabas sya ng kulay pink... "Tenen! May payong tayo." Pinahawak nya sa akin yun. WHAT?! "Ikaw maghawak, Ser."
"Ano? Ba't ako? Pagmumukain mo pa akong bakla?"
"Magpapayong lang, bakla na agad?" pumaywang sya "Ang tunay na lalaki...marunong magpayong! Bilis. Hawakan mo na." pinagpilitan nya talagang ipahawak sa akin ang payong nya. Saan ba nya nakuha to? Sa pagkakaalam ko, walang payong sa bahay.
"Teka nga. Saan mo naman napulot ang payong na 'to ha?" Ngumisi lang sya.
"Sa tabi-tabi. Napulot. Let's go!" pinalupot nya ang kamay nya sa braso ko para makahawak. Aish. Nakakaubos ng pasensya ang babaeng to. Takte.
Naglakad na kami. "Oh, oh. Wag ka sumimangot, Ser. Sunday ngayon. Kaya nga Sun, maaraw! Shine light, shine bright!"
Ano? Hindi ba dapat star light, star bright yun? Ay, EWAN!!
--o--
Sa Chapel...
Pagdating sa chapel, buti naman may natitira pang upuan na bakante. Hindi ko ata kakayanin na sa labas umupo. Sa may bandang likod kami nakapwesto. Sa kanan, may katabi akong babae kasama ang anak nyang 2 years old pa lang ata. At sa kaliwa ko naman si Eva.
Naiirita ako sa bata na to! Kanina pa ako kinakalabit sa balikat. Ni hindi ko nga pinapansin, nangangalabit pa rin.
"Pansinin mo kasi, Ser. Para di ka kulitin." bulong nya sa akin. "Hello baby. Ang cute cute mo." papuri nya sa 2 years na bata habang nilalaro-laro ang kamay nya. Ngumiti naman ang bata pati ang ina nya. Cute? Cute ba yan? Nakakaasar kaya! Ang kulit. Papansin masyado.
BINABASA MO ANG
HE'S DATING HIS ANGEL ☺
FantasyNang dahil sa paglabag sa batas ng Kalangitan, isang anghel ang mahuhulog sa lupa at mamumuhay ng NORMAL. WALANG ALAM SA ANO MANG BAGAY. WALANG PAMILYA. WALANG MEMORYA. Magmumukha siyang si "Eva". Upang makabalik sa langit, dapat siyang magtagumpay...