Chapter 5

12 0 0
                                    


NOON lamang napansin ni Yana ang buong kalangitan; punong-puno ito ng bituing nagkikislapan na animo nangungusap sa kanya.

Nasa kanyang tabi si Psylem, himbing pa rin sa pagtulog—kung iyon nga ang nangyayari rito ngayon. Nabawasan na ang pag-aalala niya dahil hindi pa man niya ito lubos na nahahawakan, nararamdaman na niya ang katawan nito. Touching his cheek was like touching a soft breeze.

"Hindi ko alam paano ka napadpad sa tahimik kong buhay, Psyle..." mahinang kausap ni Yana kay Psylem. Nakatingin siya sa guwapong mukha ng Immortal na kung hindi niya alam na isa itong Keeper ay aakalain niyang tao ito. Isang guwapong binata.

Hindi maipaliwanag ni Yana subalit nakadama siya ng panghihinayang sa isiping iyon. Ano kaya kung naging mortal si Psyle? Makikilala pa rin kaya niya ito? Tiyak na hindi.

"Hindi ko man inaasahan ang pagdating mo pero siguro'y may dahilan kung bakit. I even wonder if I am normal. I have weird dreams, and I can see things that aren't ordinary—an eagle from my closet na kayang tumagos sa bintanang salamin ko. Pati kuwago sa bintana ng silid ko. No wonder I can see and touch and hear you... because you are no ordinary, too."

The blue flame rested on Psyle's shoulder, its blue light illuminated his exposed cheek. Animo nakikinig sa kanya ang asul na liwanag.

"I also wonder what you are."

The blue flame stayed there. Whispering. But Yana couldn't understand a thing.

Sinubukan uli ni Yana na hawakan ang pisngi ni Psylem.

He grunted with her touch.

Halos mapalundag si Yana sa pagrigudon ng dibdib sa tuwa. "Psyle! You're awake! God. Gising ka na!" Halos yugyugin ni Yana ang buong katawan ng Immortal sa tuwa.

Unang kumilos ang talukap ng mga mata ni Psylem, saka nito binigkas ang pangalang hindi kanya. "Ganahra..." Dahan-dahang bumangon si Psylem paupo. "What happened?"

"You're really awake, Psyle!" Sa labis na tuwa'y kinabig ni Yana ang Immortal at niyakap nang mahigpit. "Tinakot mo 'ko, Psyle! Salbahe ka! I thought you were dead and I couldn't touch you. Kung hindi mo pa ako kinausap sa isipan ay mamamatay talaga ako sa pag-aalala. I don't know what happened—how I woke you up like what you've asked me but thank goodness, you're awake!"

Walang ideya si Yana kung gaano sila katagal sa ganoong posisyon ni Psylem pero wala siyang pakialam. Basta natutuwa siyang mahahawakan na niya ulit ito; makakausap; at makakasama.

Nang humiwalay siya sa Immortal ay napatitig siya sa guwapong mukha nito. "Sorry kung ilang araw kitang hindi tinawag, bagaman alam kong nariyan ka lang sa tabi-tabi, pero hindi kita masyadong pinapansin. My mind was so occupied I couldn't plan my life ahead. Nakaramdam ako ng takot nang makita kitang walang malay rito. I was so afraid thinking that I will lose one more person in my life. Like Alexa did."

"But I am not a person."

"For me, you are."

"Yana..."

"Thank, god! Alam mo pa pala ang pangalan ko pero 'Ganahra' ka nang 'Ganahra' kanina. Kung nahahawakan lang kita kinurot na kita kanina."

"It felt the same..." Psylem said with a deep thought, ignoring Yana's little rant. He was looking at her intently, like she was reminding him of someone from a long time ago. "You, beside me, calling my name was like of that very moment I first woke up as a Keeper and she was beside me. She made me sleep like that of a child. Dreamless. And she promised to wake me up soon." Psylem then became quite.

"Ano'ng nangyari pagkatapos n'on?" Yana pressed on.

"Naggising ako, pero wala na siya. Simula noon, hinanap ko na siya. Odd was, I never had any memory of her maliban sa maikling sandaling nasa tabi ko siya."

Wake Me Up, GanahraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon