Chapter Seventy
Samantha Angeles"Kamusta luto ko? Okay lang ba?" Tanong ni Jin habang kumakain kaming lahat dito sa lamesa ng bangtan.
"Nako! Ikaw pa ba? Ang sarap nga e! Hahaha!" -Jimin
Naramdaman ko na pumulupot ang mga kamay ni Jungkook sa may bewang ko kahit nakaupo kami.
Nandito kasi ako ngayon sa bahay ng Bangtan dahil niyaya na naman nila ako na sumabay kumain.
At dahil katabi ko sa Jungkook, hindi ko maiwasang kiligin na naman.
"Ito? Gusto mo?" Bulong nya sa may tenga ko habang itinuturo iyong parang hilaw na isda?
At dahil si Jungkook ang nag-alok, ngumiti ako at tumango.
Nilagay nya ng palihim 'yong pagkain sa plato ko kaya naman kinain ko ito.
Muling nagsalita si Namjoon.
"Mukhang may schedule na naman tayo sa susunod na buwan."
Nabaling ang lahat ng atensyon namin kay RM kaya naman nanahimik kami.
"Saan daw?" -Suga
"Hindi ko rin alam. Pero inaayos na naman nila 'yong schedule natin." Sagot ni RM.
Tumango-tango ang Bangtan habang ako ay na curious.
Kung ganoon, aalis na naman sila Jungkook? Just like nung umalis sila papunta ng Japan.
Matagal pa naman 'yan, huwag ko muna isipin.
Kinain ko nalang ang nasa plato ko at inubos.
Hindi ko maiwasan na mapatingin kay Taehyung na tahimik lang na kumakain.
Parang ang awkward, kasi kahapon 'di ba ay kumakatok sya sa bahay ko then hindi ko sya pinuntahan.
May gagawin naman akong rason doon e. Pero hindi ko lang alam kung paano ko sya kakausapin.
Matapos kaming kumain, nagsimula na kaming mag-ayos para pumasok sa school.
Natapos na ang weekends. Kaya ito na naman ang mga school works.
"Huwag mo nang dalhin ang kotse mo. Sa'kin ka na.." Narinig kong bulong ni Jungkook sa akin kaya naman hindi ko maiwasan magulat.
A-anong ‘Sa'kin ka na’?
"Sa'kin ka na sumabay." Pagtapos nya sa sinasabi nya sabay kindat sa akin.
Inirapan ko lang sya kaya nakita ko ang pagtawa nya.
Tss.
Nasa kanya-kanyang room ang ibang Bangtan habang kami ni Jungkook ay nasa sala lang at hindi ko na namamalayan na naghaharutan na pala kami!
Bigla-bigla nyang hinawakan ang kamay ko at pinisil-pisil na kunwari ay sinusuyo ako ngayon.
"Uy.."
Hindi ko sya tinitignan pero nagulat na lamang ako ng bigla nyang inilapit ang mukha nya sa may mukha ko at hinalikan ako sa may ilong!
"JK!!" napasigaw ako sa gulat pero tumawa lang sya!
"Hahaha, cute mo po." Sabi nya sabay pisil sa ilong ko.
Pinisil nya ang ilong ko gamit ang kaliwang kamay nya habang ang kanan naman nya ay nakahawak sa isa kong kamay.
Gosh. Wala syang balak bitawan ang kamay ko ha!
"Salamat." Sabi ko ng sabihin nyang cute ako. Hehe.
"Salamat? 'Yon lang?" Nagtatakang tanong naman nya.
"Oo bakit?"
Nagpout sya kaya naman hindi ko maiwasan na mapangiti!
"Hahaha! Kahit hindi ko naman sabihin, perfect guy ka na.. Cute, gwapo, talented, hot--" biglang naputol ang sinasabi ko ng halikan nya ako sa LABI!!!
ANO ITO?! SMACK LANG 'YON PERO NAKAKABIGLA!
Hindi ako kaagad nakapagsalita at nanlaki lang ang mga mata ko.
"Naaakit ako kapag sinasabi mo na hot ako. Kaya Ms. Angeles, pakitigilan po ang pagbanggit no'n."
Oh my god! What is happening in this country?!
Nakita ko ng pagngisi nya kaya kunot-noong nagtanong ako.
"A-anong nginingisi-ngisi mo dyan?"
"E kasi naman po, ang cute mo ng halikan kita. Hahaha!"
Sira ba ulo nito? Malamang sino ba naman ang hindi magugulat doon?
"FIRST KISS KO 'YON E!" Nakakahiya man, pero kasi naman e! First kiss ko talaga 'yon.
"And so? At least sa akin mo naibigay." Sabay kindat na naman nya.
Napailing nalang ako sabay napahawak sa labi ko ng bumaba na si Namjoon kasabay sina Jimin.
Kumakanta-kanta pa si Jimin habang pababa ng hagdan nila habang si Jin ay kumakain.
"Oh? Ayos na ba lahat? Tara na." Sabi ni Suga kaya naman nagsimula na silang lumabas ng bahay.
Nagkatinginan naman kami Jungkook sabay kurot sa pisingi ko!
Aba! Abuso 'to sa tsansing ah!!
Kinuha na ni Jungkook ang bag nya at dumiretso na kami sa parking lot.
~•|•~
Vote and Comment!
BINABASA MO ANG
Seducing Jeon Jungkook (On-Going)
Random•Makilala ka ng Bangtan Boys. •Mapalapit ka sa kanila at maging close sila. •Akitin mo si Jungkook. •Maging Boyfriend si Jungkook. •Matapos lahat ng plano, Break their Friend's heart. Break JUNGKOOK'S HEART.