Chapter Seventy One
Samantha Angeles
Lumipas ang tatlong araw at naging maganda parin naman ang samahan ko at ng Bangtan.
Wala naman naging problema kahit nitong mga lumipas na araw at ito parin kami ni Jungkook, going strong. CHAROT!
Hindi pa kami, pero napapansin ko nitong mga araw lang, mas nagiging sweet sa'kin si Jungkook.
Kapag uupo lang ako, sya yung hihila ng upuan ko.
Kapag kukuha ako ng ulam sa nakahain sa lamesa, uunahan nya ako at sya na ang maglalagay.
Isang beses pa nga e, yung phone nya, binigay nya sa akin tapos kinuha nya yung phone ko.
Hindi ko alam ang gagawin ko sa phone nya kaya binuksan ko nalang ito at tinignan ang messages.
Ghaaad! Hindi nya pa ako girlfriend, oo at alam ko 'yon pero babae ako at hindi ko maiwasan na tignan iyon.
Lihim akong napangiti ng ako ang una sa listahan at sumunod ang mama nya.
Napalingon ako kay Jungkook na ngayon ay kasalukuyang nakapalibot ang mga kamay sa may bewang ko habang nakaupo kaming lahat sa lapag ng bahay nila.
Nagpapahinga lang kami, dahil pa-gabi narin naman.
Tuloy parin sa pagkanta si Jungkook habang mahigpit ang pagkapulupot sa bewang ko.
Palihim man ang pagpulupot ng mga kamay nya sa bewang ko, palihim din akong napapangiti.
Tuloy parin sya sa pagkanta nang marinig kong lumapit sya bahagya sa may tenga ko at ipinagtuloy ang pagkanta ng Miss right!
"Cause your my only girl.."
Sht, nagwawala na yung mga paro-paro sa tyan ko!
Sobra-sobra na ang kilig na nararamdaman ko ng matapos ang kantahan, hinawakan ni Jungkook ang kamay ko nang umakyat na sa taas ang ibang Bangtan para magpahinga na.
Nakatingin lang kami sa isa't isa. Nakasuot sya ng black long sleeve samahan mo pa ng nakakaadik na pabango!
"So.." Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil parang wala yata syang balak magsalita.
Naka smile lang kasi sya.
"Ano na naman ba?" Nakangiting tanong ko. Alam ko naman na pabebe na ang boses ko ng mga oras na 'to.
"Ang ganda mo naman, miss.." Sabay pisil sa pisngi ko.
Tinaasan ko sya ng kilay ko.
"Pwede po ba akong manligaw?" Tanong nya na ikinagunaw ng mundo ko! Charot.
"Sorry po, taken na po kasi yung puso ko. Jeon Jungkook po yung nagmamay-ari nito. Pakitanong nalang po sa kanya kasi baka magalit 'yon kapag inagaw pa." Sabi ko naman ng makabawi.
"Gano'n ba? Ang gwapo naman siguro no'n para makuha 'yang puso mo."
Takte! Ang tamis ng mga pananalita nitong nilalang na ito e!
"Goodnight na po. Gabi na oh.." Sabi ko.
Nagpout sya kaya naman pinisil ko ang kamay nya.
"Hindi naman ako mawawala sayo hanggang bukas. Sa susunod na bukas, at magpakailanman."
Sa sinabi ko, niyakap nya ako at bumulong sa tenga ko.
"Ingatan mo 'tong puso ko, Samantha. Never pa 'tong nagmahal.."
~•|•~
Vote and Comment!
BINABASA MO ANG
Seducing Jeon Jungkook (On-Going)
Random•Makilala ka ng Bangtan Boys. •Mapalapit ka sa kanila at maging close sila. •Akitin mo si Jungkook. •Maging Boyfriend si Jungkook. •Matapos lahat ng plano, Break their Friend's heart. Break JUNGKOOK'S HEART.