Chapter 3

827 24 2
                                    

Tots' POV

"Caloy san punta mo?" ayel.

"Sikretong malupet" patawa tawa kong sagot.

Umalis agad ako pagkasagot ko dahil alam kong hindi nanaman ako tatantanan non sa kakatanong.

Nag take out lang ako ng foods sa Mcdo at nagpunta na sa dorm nina celine.

"Mam? Sino po kailangan nila?" lady guard.

"Ah si Ms. Celine Domingo po sana"

"Sige po ipapatawag ko lang po kayo sa intercom, upo na lang po muna kayo don sa may lobby" lady guard

Kaya lang hindi pa ako nakaka upo may bigla na agad sumigaw sa may bandang hagdanan.

"ANO BA? DIBA SABI KO SAYO UMALIS KA NA -----" yan agad ang bumungad sa akin pagkakita ko kay celine kaya naalarma ako, shet sabi ko na nga ba dapat nagsabi muna ako na pupunta ako eh.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot kaya hindi ako makaimik at hindi ko rin alam kung dapat pa ba kong umimik pucha kita sa muka nya na galit na galit sya.

"Aalis na ba ako? Sorry sorry nagdala lang ako ng foods inagahan ko na din para kasabay ko sana kayo mag lunch" pag hingi ko ng paumanhin.

Tangna sabi ko na foul move yun eh dapat talaga nagsabi muna ako kaya akmang aalis na sana ako.

"Tots?"

Nagulat ako ng tawagin nya ako.

"Hm?" mejo mahina boses ko pucha galit to eh baka mamaya mapalayas ako ng tuluyan.

"Nagulat ba kita?" mejo malumanay nyang pagtatanong.

"Huh? Ah no naiintindihan ko, dapat talaga nagsabi muna ako na mapapaaga ang punta ko actually twas partly my fault na din" tangna caloy nagulat ka kaya pa "no" "no" ka pang nalalaman.

"No, ah sorry di mo kasalanan may dumating kasi akong bisita kanina na nangungulit" celine.

"Oh? Uhm ah sige bigay ko na lang 'tong foods sa inyo tas aalis na ako"

"Wait lang tots samahan mo na kaming kumain" pagpigil nya sa akin habang akmang aalis na ako.

"Huh? Ah wag na baka makaistorbo pa ko eh tsaka baka may gagawin ka pa"

"Nope wala akong gagawin kagigising ko nga lang eh" pagkasabi nya nan napatingin ako sa wrist watch ko.

Weh? Quarter to 11 na kagigising nya lang?

"Wag kang ganan please late na ako nakatulog" pagdedepensa nya.

"Wala pa akong sinasabi HAHAHAHAHA" mejo gumagaan na ang usapan namin kaya niyaya na nya akong umakyat sa taas.

"Tots Carlos ng UP? Bat ka andito?" bungad sa akin ni kyle negrito pagkapasok namin ng room.

"Sya yung sinasabi ko sayong kasama natin manonood ng game ate kyle" pagsagot ni celine sa tanong ni kyle.

"Precisely! Bakit nga?" naguguluhan pa rin na tanong ni kyle.

"Uh I just wanna return celine's phone lang sana kaya lang she mentioned na manonood daw kayo ng game kaya gusto ko na rin sana sumama"

"Bat may dala kang foods?" pagtatanong ni kyle habang nakatingin sa paper bag na hawak ko.

"Uh I just felt that you haven't eaten yet?" pagtatanong ko sabay taas ng paper bags.

"Lakas naman ng pakiramdam mo Tots Carlos ng UP, maupo ka na nga don may pag uusapan pa ata kayo ni ced" sabay turo sa may kama ata ni ced at kinuha nya yung isang paper bag at kinain na yung pagkain nya.

DECISION (ToLine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon