Love Is In The Air

1 0 0
                                    


Sorowina

"Ma'am, 134.25 pesos po lahat." 

Iniabot ko ang bayad at ng makuha ko ang pinamili ko ay sakto naman na lumakas ang ulan sa labas. Nasa loob palamang ako ng convenience store pero ramdam ko na ang lamig sa labas, buti nalang nalang nag hoodie ako, kahit papaano hindi sobrang lamig. Umupo nalang ako sa bakanteng upuan at tumanaw sa labas, gabing gabi na at isa isa nang nagsasarado ang mga tindahan sa paligid. Buti nalang may 24 hours na convenience store malapit sa bahay namin, madali puntahan for midnight snacks.

"Excuse me, may I sit here?". Naputol ang pagiisip ko ng may magsalita sa harapan ko. Lalaking nakaitim na hoodie, at maong pants. Nakaturo siya sa bakanteng upuan sa harap ko.

Tumingin ako sa paligid para alamin kung wala na ba talagang ibang mauupuan. Wala na nga, malakas kasi ang ulan, panigurado ang iba ay nakikisilong lang at naghihintay sa pagtila ng ulan, tulad ko.

Tumango ako sa lalaki, at ibinalik na ang tingin ko sa labas. May tatlong bata rin akong nakita na nagpapaulan at naghahabulan pa. Ang saya saya lang nila, hindi ba kayo hinahanap ng magulang niyo? Wag naman sana kayo magkasakit bukas.

Sunod kong napansin ang dalawang aso na pilit na sumisiksik sa maliit na silong, kahit sa malayo pansin ko ang panginginig nila sa lamig. Lumipat ng pwesto ang isang aso at huli ko pa napansin ang isang tuta na para bang pinoprotektahan ng dalawang malaking aso. Nakakaawa naman ang sitwasyon nila.

Mabilis akong napasigaw at napatayo dahil sa mainit na kapeng natapon mula sa lamesa, nabasa ang ibabang parte ng suot ko na hoodie, pati narin ang shorts ko. Siguradong napaso pa nga yung hita ko sa init nung kape.

"Oh shit, sorry!". Napatayo rin yung lalaki sa tapat ko, nakatingin siya sa nabasang hoodie ko.

Tiyak ako na pinagtitinginan na rin kami dahil sa lakas ng pagsigaw ko. Naglabas siya ng panyo mula sa bulsa niya.

"Thank--". Naputol ang sasabihin ko ng pinunas niya yun sa sarili niya, sunod ay sa lamesa. Akala ko sakin niya ibibigay, hindi ko alam kung mahihiya ba ako sa pag a assume ko o maiinis dahil siya yung nakatapon ng kape.

Nagpunta nalang ako sa counter at humingi ng tissue. Buti nalang binigyan ako, kaysa naman bumili pa ako. Matapos ko mag punas ay malagkit parin ang hita ko dahil sa kape, sa bahay nalang ako magpupunas.

Tumingin ako dun sa lalaking nakatapon ng kape, nakaupo na siya at nakatingin lang sa cellphone niya. Mawalan ka sana ng signal.

Niyakap ko na ung paper bag kung nasaan ung mga midnight snacks na pinili ko, para hindi mabasa. Lumabas na ako sa store at tama nga ako, sobrang lamig dahil sumasabay ang lakas ng hangin sa ulan. Medyo mainit parin yung hita ko dahil sa kape, thank you ng slight sa kape pero kaya ko naman yung lamig kahit wala yun. Malakas parin yung ulan, buti nalang yung malaking payong ang nadala ko kahit nagmamadali ako sa pagtakas dahil nakatulog na si mama't papa sa sala, kakanuod ng Prison Break sa Netflix.

Medyo nahirapan nga lang ako sa pagbubukas ng payong pero kinaya naman.

Pagtawid ko sa kabilang kalsada ay nagulat ako ng biglang hinangin ng malakas yung maliit na payong nung matandang babae malapit sakin, tumakbo agad ako para lumapit sakaniya at payungan siya.

"'la, okay lang po ba kayo?". Tanong ko agad at inalalayan siya, kahit na nagmadali ako sa paglapit, mabilis parin na nabasa si lola ng ulan. Basang basa tuloy yung damit niya at ang nga dala niyang bagahe.

"Aba'y salamat, ineng. Nagulat nalaang ako ng biglang nabitawan ko yung payong ko, naku! Kung kailan malayo layo pa ang lalakarin ko."

Naawa naman ako kay lola. "Saan po ba kayo papunta?". Tanong ko, para masubukan ko naman matulungan si lola.

"Eh sa sakayan ng bus, iha. Luluwas ako ng probinsya eh, hindi ko naman inakalang uulan ng napakalakas."

Naisip ko na ipag Grab Car ko nalang si lola para hindi na siya maglakad.

"Tulungan ko po kayo kumuha ng taxi, silong po muna tayo sa 7-11 sa tapat.". Tinuro ko yung convenience store sa pagtawid.

"Naku! Salamat iha--"

"Nay!!"

Napalingon kami sa sumigaw na palapit samin.

"Ryan? Aba'y Ryan! Ano pa ang ginagawa mo dito? Ang lakas ng ulan, wala ka pang payong!". Sabi nung lola sa lalaking lumapit samin, mukhang ka edad ko lang din ito at nakisilong na rin. Buti nalang talaga at pang pamilya ata yung payong ko.

"Nay, anong nangyari sa payong mo? At sino po siya?". Tinuro ako.

"Rowi. Rowi po pangalan ko, tinulungan ko lang po siya kasi nakita kong nilipad yung payong niya.". Paliwanag ko sa nangyari.

"Oo 'nak, buti nalang tinulungan niya ako kun'di siguro kanina pa ako basang basa ng ulan.". Dagdag nung babae.

"Ganun ba, lumakas kasi yung ulan kaya hinabol agad kita para matulungan sa bitbitin."

"Aba'y wala ka bang dalang payong?"

Napangiwi yung lalaki. "Wala po eh, dala po ni kuya yung isa, tapos yung isa naman dala mo."

"Ito nalang pong payong ko yung gamitin niyo.". Sabat ko.

"Ay naku iha, pano ka naman?"

"Bibili nalang po ako ng payong dun sa 7-11, mura lang naman po."

"Iha, wag na."

"Okay lang po talaga.". Ngumiti lang ako sakaniya at mabilis na inabot ang payong doon sa anak niya para hindi na sila maka tanggi.

Sinuot ko ang hood sa ulo ko. Nagpaalam na agad ako sakanila at mabilis na tumakbo patawid sa 7-11. Mabuti nalang at wala masyadong kotse sa kalsada. Ng makarating uli ako sa store ay napansin ko pang kumakaway sila sakin, kumaway naman ako pabalik, para hindi ako magmukhang suplada.

At heto na naman ako sa loob ng 7-11, namamalipit sa lamig. Napatitig lang ako sa stand ng mga payong, pero walang payong. Pano na yan? Sumilip uli ako sa labas, ganun parin ang lakas ng ulan.

Basa yung damit ko at samahan pa ng malamig na aircon. Huwag sana ako magkasakit, kahit na Sabado naman bukas. Marami pa akong kailangan gawin.

Lumapit ako sa counter, "Excuse me, wala na po bang stock ng payong? Ubos na po kasi yung nas stand."

"Ay ma'am, wala na po eh, ilang araw na po mabilis nauubos ung stock ng payong dahil sa gabi gabing malalakas na ulan."

Matapos ko magpasalamat ay humanap na ako ng bakanteng mauupuan, kaso wala na. Napansin ko na nandun parin yung lalaki kanina, nakatitig parin sa cellphone niya. May iba na rin nakaupo sa inupuan ko kanina.

Naisip ko na tumakbo nalang ng mabilis hanggang bahay, hindi na ako pwede pa magtagal sa labas dahil baka magising na sila mama't papa at mapansin na wala ako sa bahay, malalagot ako.

Tama, nakapagdesisyon na ako, tatakbo ako. Sana lang wag ako ma tanga at madapa. Wala pa naman akong background pagdating sa track and field o kahit anong takbuhan, hindi rin kasi ako sporty.

Lumabas na ako ng 7-11, sinuot ko na ang hood at pinasok ang mga pinamili ko sa loob ng damit ko, para hindi mabasa.

Handa na ako tumakbo ng biglang may payong sa uluhan ko. Lumingon ako sa tabi ko pero mabilis niya lang na inabot sakin yung payong at tumakbo na papasok sa itim na kotseng nakaparada sa harap namin.

Teka, natulala ako sa kotseng palayo. Anong nangyari?

'Yun yung lalaking nakatapon ng kape kanina. Mabait naman pala siya.   

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 14, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love Is In The AirWhere stories live. Discover now