1 2 1 7 1 9

54 9 1
                                    

[DAY 3]

WHERE: @ RV
WHEN: Morning [7:10am]


[STEP 1] We need to find a place with a hydroelectric stations.

"Pero sa province ka pa makakakita ng hydro electric stations, ba't di nalang solar pannel?" suggestion ni yaz.

"Pagkatapos ng isang oras kapag wala nang katao tao na napapatakbo ng power plant mamamatay lahat ng source ng kuryente na sakop ng power plants na 'yon kaya mawawalan ng kuryente, macocoveran din ng dust ang solar pannels within an hour at ang matitirang gumagana lamang ay hydroelectric stations dahil patuloy at walang hinto ang agos ng tubig na pinagkukuhaan nito. Pero di naman natin kelangan magmadali dahil may gas pa naman ang RV na pwedeng source ng kuryente.

Pero kaya kailangan nating lumayo sa may nuclear power plants dahil within one month mag eevaporate ang cooling water sa nuclear stations na magiging dahilan ng pagsabog nito. Pero di naman tayo mahihirapan sa paghanap ng ganitong lugar dahil walang malapit na nuclear power plant sa pilipinas. Pero kahit na di tayo mahihirapan sa paghahanap ay dapat naring madaliin para maiyos at malagyan ng barricade ang magiging kuta natin, o mas maganda, maghanap nalang tayo ng isla" mahabang paliwanag ni ambriel.

"Open for suggestion tayo dahil involve tayong lahat dito" pahabol pa niya.

[STEP 2] Find gasoline enough for two trucks and RV.

"Tama! kelangan ng gas para makapaglakbay. Alangan namang maglakad ka pa habang may zombie apocalypse diba? Pahihirapan mo lang ang sarili mo, pero tam para saan yung truck?" Sabi ni nikki.

"Para siguro sa step 3 niks" sagot ni shua.

[STEP 3] Find two trucks na may apat na kwadra. Dapat makuha ito within one week.

"Kailangan natin yan para sa mga kukuhain nating mga pananim at farm animals para sa pagkain. Kailangan yan makuha within one week dahil after 10 days mamatay ang mga animals na inaalagaan dahil nga walang nag-aalaga sa kanila." Paliwanag muli ni ambriel.

"Eh? Pahihirapan lang naman natin yung mga sarili natin kung pwede naman tayong pumuslit nalang ng mga pagkain sa mall." Kontra ni yaz.

"Gaya nung sa mga movie?" Sabat ni niks.

"Kung ganyan ang gagawin natin di tayo mamamatay dahil sa zombies, mamamatay tayo dahil sa food poison o unhealthy habit dahil puro processed ang makakain natin. Right love?" Singit na paliwanag ni shua.

"Yup, tama si shua. At isa pa malawak ang mall, maraming pasikot sikot. Baka macorner lang tayo sa process at isa isang mabawasan." Dagdag ni ambriel.

[STEP 4] Find foods, water and other resourceful thingy.

"Dagdag sa sinabi ni shua, ang mga processed food ay pwede lamang tumagal hanggang 1month-1year ibig sabihin kung tatagal ng halos 1year ang zombie apocalypse ay wala nang matitirang processed food dahil sira at expired na. Mabubulok at mapipeste din ang pananim dahil walang taong mag-aalaga rito dahil malamang puro zombie na nga lang. Kaya within 10 days dapat makakuha na tayo ng farm animals na aalagaan natin para may makain tayo." Paliwanang ni ambriel na sinang ayunan ng lahat.


PROJECT:Humanity's Extinction [MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon