Chapter 21

53 10 5
                                    

I used to think I needed something more than what I have para maging kumpleto ang buhay ko, hindi naman masamang mangarap ng kung anong wala ka diba? Pero narealize kong I let that sense of longing or that feeling na hindi ako satisfied to rule my heart. My world was full of great things that other people can only dream of pero ang lagi kong nakikita is kung ano yung kulang, kung ano yung wala na hindi ko naaappreciate kung ano yung meron.

It's been a week after the last time na nag-usap kami ni Sir Chuck and he hasn't tried to talk to me again, at sobrang thankful ako dahil at least I stood for myself. Na hindi ko na sya hinayaang makapagsalita ng hindi maganda sa akin, honestly although naiintindihan ko kung bakit sya nagalit I felt like hindi naman ako deserving na ganunin diba? Sino ba sya?

"I deserve an explanation! I need an acceptable reason!"

Tama si Papa P. lahat ng tao kailangan ng explanation, ng acceptable reason kung bakit nagtatapos ang lahat. At yung nangyari sa amin ni Sir Chuck, kahit na maigsi lang kailangan pa rin magtapos nang may tuldok talaga. Pero hindi ngayon, busy pa ako.

Eto ako at naglilinis ng kwarto ko habang nasa background si Ate Toni at Papa P, one of the best movies I've seen in a while.

Actually, mas lamang ang nood ko kesa sa pagliligpit pero at least nag-aattempt maglinis, di ko alam kung kelan ako huling nakapag-general cleaning dito sa kwarto ko. Sabado ngayon pero ayaw kong mag-hilata kasi andami kong naiisip na kung ano ano kaya eto kilos pa rin kahit na weekend.

Kumatok ng malakas si chang sa pinto, "Hoy. Ano ba ginagawa mo diyan?"

At syempre pinatay ko ang movie at sumilip sa pinto, "Ano ba chang. Nagliligpit po ako, bakit ba?" Kunyari irritable at naistorbo sa paglilinis.

Tumingin si chang sa likod nya at bumulong sa akin, "Nakalimutan mo bang may lakad ka?"

Kumunot ang noo ko, "Wala po akong lakad ngayon, namili pa ako ng mga spray spray at panlinis ng kwarto kahapon e, schedule ko talaga ng linis ngayon. Bakit po ba?"

Bumulong ulet si chang, "E yung poging dumalaw nung nakaraan nandito ulet. Susunduin ka daw nya."

Nanlaki ang mata ko at agad agad akong lumabas ng kwarto, keber nang mabaho at pawisan.

Pagdating ko sa salas nandun nga sya, at utang na loob kung gaano kabasurera ang itsura ko, sya namang pagkapogi ni Sir Chuck. Naka-long sleeves syang puti at naka slacks na dark gray with pin stripes na white at naka brush up ang buhok nya. Lakas maka-Christian Grey ni master, este Sir pala.

Pero pakitang tao tayo guys! Nilagay ko ang mga kamay ko sa bewang ako at tinitigan sya with daggers in my eyes, as in gusto ko syang hubaran, este sakyan, este saksakin pala. Ano ba yan.

"Anong ginagawa mo dito?"

He stands up at talaga naman, ang hirap ha. Ang hirap magpigil ng gigil dito.

He puts his hands inside his pockets at gusto ko sana sabihin, "Pashuot rin ng handsh ko diyan" pero pinigilan ko.

He sighs, "I'm here to call in my favor."

Tinaasan ko sya ng kilay as in muntik nang humalo sa buhok ko sa bunbunan sa taas, "Excuse me?"

Nakatingin lang sya sa akin na parang walan pakiealam sa reaction ko, "I'm going to my cousin's wedding this afternoon and you're my plus one diba?"

Tumawa ako ng pang-contrabidang tawa, as in tapos, "Hah! Seryoso ka ba? Baliw ka na ata kung tingin mong sasama ako sayo."

Nag-shake lang sya ng head nya, "You promised Andi. I didn't take you for a liar."

She's So Extra (Kiligserye Book1) | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon