Natasha's POV
"Tasyang!" nagulat ako sa pagtawag ni Oyang sa pangalan ko,
"Hm?" tanong ko,
"Umuwi na tayo." yaya nya na ikinagulat ko,
"Ah-ehh...sige mauna na kami ha." paalam ko sa iba at dali-dali ko nang hinabol si Oyang dahil ang bilis nyang maglakad,
Parang natigilan ang lahat at wala nang nagawa sa pag-alis namin ni Oyang. Ano kayang problema nito?
"Ahm...Oyang?" pasimple kong tanong nung maabutan ko na sya,
"Ano? Kung ayaw mo pang umuwi, edi huwag. Balik ka na dun, kay Lino."
"Hindi, hindi. Sabi ko nga gusto ko nang umuwi eh."
"Tss. Bilisan mo na magre-review pa tayo." sabi nya kaya binilisan na namin ang paglalakad.
...
"How does temperature affect the rate of reactions?"
"As temperature increases, the particles move faster and collide more frequently, hence, increasing the rate of reactions." dire-diretsong sagot ni Oyang habang ako naman ay nakangiting nakikinig sa kanya,
"Wow. Ang galing!" ipinalakpak ko yung reviewer na hawak ko,
"Hmm...how do catalysts increase the rate of reactions?" sya naman yung nagtanong,
"Catalysts increase rate of reactions by lowering the activation energy--"
"Tasyang!" napahinto ako sa pagsagot nung naparinig ko si Lino mula sa di kalayuan at tumatakbo na naman palapit sakin,
Ibinalik ko kay Oyang ang tingin ko, nakatutok ang mga mata nya sa reviewer na hawak nya.
"Tasyang..." hinihingal na sambit ni Lino nung makalapit na sya sakin ng tuluyan,
"Oh, Lino." sabi ko din sa kanya, tapos binigyan na naman nya ako ng plastic bag na puro pagkain
"Hindi mo na kaylangang bumili ng mga pagkain, Lino. Pero thank you, matutuwa na naman si Mutya nito." sabi ko habang chine-check kung ano yung mga laman ng plastic bag,
"Tsk." sabi ni Lino bilang tugon sa sinabi ko, napatawa naman ako.
"Ahem." narinig kong tumikhim si Oyang,
"Ah...ahmm...okay, sunod na tanong. What are the factors that can increase the number of collisions in a reaction?" sabi ko kay Oyang,
"Concentration, surface area and temperature." sagot ni Oyang habang iniisa-isa sa kamay nya yung sagot, ang galing nya talaga, nginitian ko sya ng malapad.
"Bongga! Perfect mo na to, Oyang!" sabi ko kanya at nag-tss lang sya at inirapan ako,
Oo nga pala. Kaya kami nagre-review ngayon dahil may practice test kami sa Chemistry first lesson ngayong umaga.
"Ah-hehe...may test nga pala tayo no?" napapakamot sa ulong sabi ni Lino,
"Sabi na eh, di ka na naman nakapag-review? Paniguradong hahaba na naman ang leeg mo nyan." nagulat kami nang biglang sumulpot si Mutya sa tabi ni Lino habang naglalakad kami,
Inis na nag-tsk lang si Lino habang iniirapan si Mutya,
"Pero ayos lang yan, matalinaw ka naman, kaya makakapasa ka pa din." sabi ni Mutya habang tinatapik si Lino sa likod nya
Hindi nagsalita si Lino at sinamaan lang ng tingin si Mutya, ang cute talaga nilang dalawa. Napatingin si Mutya sa hawak kong plastic bag, kaya ibinigay ko yun sa kanya. Nagkikislapan ang mga mata nya habang tinititigan ang laman nung plastic bag tapos bigla na lang hinablot ni Lino yung plastic at ibinalik sakin. Kaya si Mutya naman ang tumingin ng masama kay Lino. I swear, sa pamamalagi ko dito sa lugar na to, ganito yung araw-araw na eksena.

BINABASA MO ANG
Mission: Act Like a Probinsyana
Teen FictionTasha, who has been trained to be the successor of her dad, a high profile secret agent, was sent to the province of Camarines Sur for an important mission to prove that she's ready to enter the work force. Her mission: act like a PROBINSYANA in ord...