Nagising ako sa isang silid na hindi pamilyar sa akin. Kakaiba ang silid na ito, may pagkaluma ang mga gamit ngunit halata mong mamahalin. Nasan ako?"Allison" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon.
"Nakahanda na ang umagahan mo sa ibaba." Siya yung kagabi. Hindi panaginip ang nangyari kagabi.
"Salmon?" napangiti ito sa sinabi ko
"Kin. Tawagin mo akong Kin dito." Nakangiti paring tugon nito sa akin
"Pero nasanay akong Salmon ang tawag sayo." Natawa siya ng mahina sa sinabi ko.
"Sige Salmon ang itawag mo sakin" Nakangiti pa rin ito sa akin. Teka sabi niya Kin daw ang itawag ko sa kanya dito? Hindi ko maintindihan
"Ano.. Salmon.. Nasaan ba ako? I mean, tayo?" Bumuntong hininga ito bago sumagot
"Nandito ka ngayon sa Eribourne" Eri-what?
"Eri-what?" Natawa naman siya ng mahina.
"Eribourne, Allison. E-ri-bour-ne" natatawang ulit niya sa akin ng tamang pagbigkas ng lugar kung nasaan kami.
"Teka? Anong lugar to? Pati bakit tayo nandito?" Ngunit bago pa ito magsalita ay may kumatok na sa pinto at nag-salita.
"Kin, mawalang galang na po ngunit kelangan niyo muna kumain." Napatingin ako sa babaeng pumasok sa silid. Nakakapagtaka ang tenga nitong babaeng ito. Mejo mahaba ito kumpara sa normal na tenga ng tao. Akma kong lalapitan ito upang mahawakan ang tenga nito nang bigla itong sumigaw ng hindi ko maintindihan.
"prohibere!!" sigaw nung babae habang ang mga kamay ay nakatapat sa akin. Hindi ako makagalaw!
"Amara!" sigaw din ni Salmon/Kin dun sa tinawag niyang amara
"Abstergo!" Sigaw ni Salmon papalapit sa akin. Muli ay nakagalaw ako.
"Allison! Patawad. Ayos ka lang ba?" Tumango ngunit hindi pa rin ako makapaniwala ano ba sila? Pano nila nagagwa ang mga ito?
"Amara! Humingi ka ng paumanhin sa bisita ko." Galit na tugon ni Salmon kay Amara.
"Paumanhin Regis Filia" sabay yuko nito sa akin. Regi - what?
"Hindi ko maintindihan ang sinasabi niyo? Saglit lang. Okay lang ako. Paumanhin din sa biglaan kong ikinilos." Yuyuko sana ako dito ng pigilan ako ni Salmon.
"Huwag! Huwag kang yuyuko sa kanya Allison." Ha?
"Hindi ko maintindihan? Ang dami ko na namang hindi maintindihan? Bakit?" Takang tanong dito. Naguguluhan na talaga ako. Bumuntong hininga muna siya bago muling nagsalita.
"Allison, siya si Amara. Amara Naelana. Siya ang pinuno ng mga Carmina orientis. Ipapaliwanag ko mamaya sa iyo mamaya ang lahat sa hapag kainan. Bumaba na muna tayo. Hindi tayo maaaring magtagal dito Allison." Agad siyang tumalikod matapos putulin ang kanyang pagpapaliwanag.
Tumingin ako kay Amara at muli ay nagsalita ito.
"Halika na Regis Filia, ipaliliwanag sa iyo ni Kin mamaya ang lahat sa hapag. Kaya halina." Tumalikod din ito sa akin kaya naman sumunod na ako.
Nakakahanga talaga ang lugar na ito. Hindi mapigilan ng aking bibig na bumuka dahil sa kamanghaan. Nakarinig naman ako ng mahinhing tawa mula sa aking harapan kaya naman agad kong isinara ang aking bibig mula sa pagkakabuka nito.
Maya - maya pa ay nakarating na din kami sa silid kung saan may napakahabang lamesa at sa gitna nito ay si Salmon na mukhang kanina pa nakaupo sa gitnang upuan ng lamesang mahaba.
YOU ARE READING
A Felis Catus' Tale
General FictionButi na lang pala at gala ka, napunta ka tuloy samin, sakin. Pangako iingatan kita, pero dapat ako din. Sasamahan kita kaya dapat ako din samahan mo. Ikaw at ako. Magkasama tayo. Kaya ayan, dahil good boy ka, may pasalubong ako. *meow* Hi everyone...