3rd Memory
"Kermit, sorry talaga ha?"
"Ano ka ba Peps, okay lang 'no!"
"Tara?"
"Saan?"
"Sa orphanage"
"Ba-bakit?"
"Nakalimutan mo nanaman?! Diba nga may mga activities dito!"
"Meron bang orphan dito?"
"Oo!Hindi naman ako mag-yayaya kung wala diba?! at diba mahilig ka sa bata? Kaya tara na"
Naglakad na ang dalawa patungo sa hall ng mga orphans.
"Oh, andito na pala tayo 'e"
"Happy Orphanage? Anong Happy doon? Eh wala ka ngang magulang?"
"Shengy, kaya nga gagawing Happy 'e, tignan mo tayo"
"Oo nga 'no! Tara, mauna kang pumasok"
"Wow~Kermit ang cucute nila~"
"Peps! Peps! Tignan mo siya 'o~" turo ni Kermit sa isang batang babae na may mataba't mamula-mulang pisngi.
"Baby!!" At tumakbo si Peppa patungo sa bata ngunit nagulat siya ng may umaway dito.
"Hoy Peppa Piglet! ang taba mo!"
"Oink!Oink!Hoy Froglet! mukha kang palaka!"
"Edi Kokak!Kokak!Ang gwapo ko kaya! ikaw nga cute ka pero ang taba mo"
"Ahhh! Froglet wag mong pisilin yung pisngi ko!"
"Ah, hello mga babies?" Bati ni Peppa sa mga nagsisicute-an na bata.
"Ah! Hello Ate!"
"Hello Ate! Tignan mo si Piglet ang pula ng pisngi niya, tapos naka pigtail pa siya"
"Bat ba kayo nag-aaway?!"
"Ate Hindi Cute yan si Froglet!"
"Oo ate, gwapo kasi ako 'e!"
"Hello!"
"Hello Kuya!"
"Hello Kuya, ang pogi mo naman!"
"Piglet, mas pogi ako sa kanya okay?"
"Tse!" Lumapit ang batang babae kay Kermit at hinawak-hawakan ang pisngi nito samantalang naka-upo sa sahig ang batang lalaki at nakahalukipkip at nakanguso.
"Hello Kuya! Ako si Peya! Ikaw? Kuya alam mo ang pogi mo hindi katulad ng isa d'yan! Mukhang palaka!"
"Ako Si Kermit, nako Peya! maliit na bagay, bakit ba kayo palagi nag-aaway no'ng batang lalaki?"
"Hmmp, palagi niya kong ni-aasar 'e"
"Nako Tol, sila ata mag-kakatuluyan pag laki" sabi ng isang lalaki.
"Alis muna ko kuya ha"
"Sige Peya!"
"Bago ka tol?"
"Three days, Pepe nga pala"
"Kermit tol"
"Angas nickname s'a? Mga palaka?" sabi naman ng sumulpot na babae na kasama ni Peppa.
"Pepsi nga pala"
"Kermit, si Pepsi nga pala, three days na siya dito biruin mo yun? kasabay lang natin siya? Pepsi, si Kermit, siya yung nakakasama ko palagi dito"
"Hey Kermit"
"Yo, Yo Pepsi!"
"Pepe nga pala Peppa, kakakilala ko lang kay Kermit"
"Pepe, si Pep-"
"Pe! Pepeng Palaka!"
"Magkakilala kayo?"
"Oo naman! Siya nga yung unang bumulabog sa'kin dito 'e!"
"NEW FRIENDS?"
"New Friends!" Sabay-sabay nilang sabi.
"Let's Celebrate Pipol sa Daan!"
"Pipol sa Orphan tol, Orphan"
"LET'S CELEBRATE!"
"Tara sa store!"
Nagsisigawan naman silang lumabas sa orphanage at pumunta sa isang Convenient Store sa Happy Memories.
"Uyy ang dami naman n'yan!"
"Libre 'e!"
"Akin yung Pepsi!"
"Coke tsaka Nova!"
"Tubig lang friends!"Tapos nang kumain ang mga binata't dalaga.
"Ang saya ko ngayon, Salamat"
"That's what new friends are for!"
"Ano na pag Old?"
"Edi iiwan ka na!"
"PERO! IBA TAYO!" sabay sabay nilang sabi.
"PPPK! HAPPY LANG!"
"HAPPY LANG!" sabay sabay nanaman nilang sabi habang nakahawak ang mga hintuturo nila sa kanilang magkabilang pisngi.
Natapos ang araw ng mga binata't dalaga ng masaya dahil sa Happy Memories.
-end of chapter three
Medyo nakakahurt yung pag old na
Be Happy!
Lovablelylots ❤️