(Please play the video on the upper part while reading for better experience. *Optional* )
Nandidito ako ngayon sa hardin ni Mama . Hinihintay ko ang best friend ko , si Nixen. Dito kasi kami palaging nagkikita , at sabay kaming nagpupunta sa batis para maligo .
Araw-araw 'yon , kahit pa pinapagalitan ako ni Mama , tsaka pinapalo si Nixen ng Lola niya . Masakit pero ,ayos lang nag-enjoy naman kami sa pagligo , eh . Hihihi.
Bakit kaya antagal ni Nixen ngayon ? Ah , baka inutusan pa siya ng Lola niya na mahlinis ng bahay nila . Sila nalang kasing dalawa , bata palang kasi daw siya , ay iniwan na siya ng mga magulang niya . Minsan nga ay tinatanong niya ako kung ano ba daw 'yong pakiramdam na may Nanay . Sinasabihan ko siya ng 'masaya kasi kasama ko pa sila ' Sabi pa nga niya di daw niya kayang pigilan minsang mainggit . Eh, pwede naman niyang tawaging Mama si Mama ko eh .
Baka matagalan pa 'yon . Maglalaro muna ako ng luto-lutoan dito sa may papag namin. I-si share ko nalang to sa laruan na in ni Nixen, si Benny.
Ayan may pagkain na kami ni Benny , natapos ko na sing lutuin ang gumamela , na siyang magsisilbing pagkain namin . Ay teka parang may kulang ? Ahh! ang baso pala namin ni Benny . Kukuha na rin ako ng plato para kay Nixen , baka dumating na siya . Magtampo pa 'yon bigla . Napakamatampuhin kaya ng best friend ko , hmmp! Pero kahit ganun 'yon love ko 'yon eh . Shhh! Secret lang 'yan ah ?
La,la,la,la .Kumakanta-kanta pa ako pabalik sa may papag namin . "Ayan Benny may baso ka na di tayo mag-she-share sabi kasi ni ma--- wahhh! Sino ka?!"
"Chubs , ako 'to si Nixen . Sorry kasi nahuli ako ng dating , alam mo naman si Lola , pinag-utusan pa akong maglinis ng bahay , tsaka nag-igib pa ako ." Humihingal pa niyan sabi sabay punas sa noo niya . " Teka umiiyak ka ba ?" Nag-aalalang tanong niya .
"P-papaanong h-hindi a-ako iiyak *iyak* n-natakot ako *iyak* b-baka k-kidnapper na , baka k-kidnappin nila a-ako t-tapos di na kita -makita , *iyak* mami-miss kita *iyak* "
"Ay sus! Itong best friend ko talaga napaka-artistahin " sabay kurot ng bilugan ko'ng pisngi .
"Tick naman eh ! " Yan ang tawagan namin chubs for chubby mataba kasi ako at Tick for stick dahil kung anong taba ko ay gano'n din siyang kapayat .
"Kitang napakabilog na ng pisngi ko kikurot mo pa , hmmp ! " pagrereklamo ko , pero syempre kunyare lang 'yan . Pang-artista yata 'tong acting ko 'no!
"Sorry na po kamahalan" sabay , yuko pa niya at hawak sa dibdib niya "Teka..." Napatigil siya ng kaunti at pinunasan ang mga pisngi ko gamit ang damit niya . Ambait talaga niya . Kakalas na sana ako kasi nakakailang na kaya lang ..." Sandali lang may sipon ka pa " papipigil niya nang tawa . Luh,nakakahiya!
"A-anong s-sabi mo ? " pa-inosente ko kunyareng tanong.
"Hay nako, napaka-slow talaga ng best friend ko'ng uhugin , hahahahaha!" malakas niyang tawa at saka nagtatatakbo . Ako naman itong si taba di siya mahabol .
"Tick naman eh ...huhuhuhuhu susumbong kita kay mama k-- wahhhhh! *sobs* " Huli na nang makita ko ang maliit na naka-usling kahoy sa tinatakbuhan ko. Natisod po ako. Ano'ng gagawin ko magtatawa? Kaya umupo nalang ako sa papag namin saka tahimik na nag-iiiyak .Uhugin na iyakin pa , 'yoko na !
"Chubs , ayos ka lang ? Hala nagkasugat ka i-uwi muna kita sa bahay niyo " Yan si Nixon napaka-maaalahanin . Kaya kahit na bata palang kami , alam ko na ang tunay na ibig sabihin ng kaibigan , ng tunay na kaibigan. Mabait kasi siya , matulungin ,at matalino.Hihihi .
Ang hirap magpigil ng ngiti lalo na kapag nangingiti ka na talaga . Pinunasan ko ang mga mumunting patak ng luha ko. "Ayos lang ako Tick " kasi nandito ka ...
YOU ARE READING
The Other Side of the Story |Completed|
Krótkie OpowiadaniaDo all the good love stories always have a good ending? Is it really what the reality is trying to let us see? Palagi na lang "happy endings,happy-ever-after at fairytale-like" ang mga mababasa natin sa mga love stories. How about the bittersweet s...