Chapter Three

5.7K 231 15
                                    

Kanina pa napapansin ni Lander ang itim na kotse na pabalik-balik ito sa harap ng apartment ni Samina Herrera.

Hindi naman nakatiis si Lander at bumaba siya sa taxi na kanyang minamaneho at pinuntahan yong itim na kotse. Masama kasi ang kutob niya rito.

Kinatok niya ang tinted na bintana sa gawi ng driver at pinagbuksan naman siya nito kaagad. Ang angas ng itsura ng driver. Kaya't agad niyang binunot ang baril at itinutok ito sa leeg ng lalaki. Tas tinanong niya ito sa lenggwaheng portuges kung sino ito at sino ang minamanmanan nito sa apartment. Nagmamakaawa pa nga sa kanya ang driver ngunit hindi pa rin nito sinasagot ang mga katanungan niya.

Through his earpiece, he monitored the bug Jenan had planted in Herrera's apartment that afternoon. Simula palang kasi nang lumabas ito sa pinagtatrabahuan nitong bangko, sinusundan na nila ito ng team niya. At napapansin nga niyang parang nahahalata sila ng babae sa pagsunod nila rito.

Samantala nang makita niya sa personal si Miss Herrera para siyang isang fan boy na nabato-balani sa isang sikat na artista. Mas maganda kasi ito sa personal kaysa don sa surveillance photo na pinapakita sa kanila. Ngunit naramdaman niyang hindi lang naman sila ang nakasunod dito. Lalo na't kanina pa niyang nahahalata ang itim na kotse na nakaaligid sa apartment ng dalaga.

Kukontakin na sana niya si Jenan sa pamamagitan ng earpiece nang biglang may sumigaw na babae. At yong naririnig niyang sigaw hindi normal yon sa isang babaeng nakakita lang ng daga o ipis, kundi sigaw talaga iyon sa babaeng nakaramdam ng matinding takot. Ngunit hindi na ito muli pang nasundan ng sigaw.

Napamura nalang si Lander saka hindi na siya nagdalawang isip pa na paluin sa hawak na baril ang ulo ng driver. Kaagad naman itong nawalan ng malay. At humakbang na siya papunta sa likod ng apartment.

"Dragon Ball," tawag niya kay Jazz gamit ang call name nito. "Narinig niyo ba ang narinig ko?"

"Papunta na ako diyan."

Nilibot naman ni Lander ang likod ng apartment at naghahanap siya ng maaakyatan. Saka napatingala siya sa bukas na bintana ni Miss Herrera na nasa ikalawang palapag. "Cover her front door. Aakyat naman ako rito sa likod na bintana. Rough Rider, Trailblazer, do you copy?"

"Copy." sabay na sagot nina Jarred at Royet.

Kailangan niyang magmadali baka nanganganib na ang buhay ng kanilang asset. "Hold your positions. Dragon Ball, kung nakita mo na kahina-hinalang tao ang kasama ni Miss Herrera paglabas ng apartment nito, itumba mo kaagad. Pandora, ikaw naman ang bahala sa driver ng itim na kotse na naka park sa di kalayuan lang sa apartment ni Miss Herrera. Hinimatay lang kasi iyon nang paluin ko siya ng baril."

"Roger that." sagot naman ni Jenan. Then the wire tap had gone dead-silent.

Tiningala niya ulit ang bintana. Nag-iisip pa siya ng paraan kung paano siya makaakyat don na hindi siya mahahalata. Sigurado kasi siya na kung sinuman man ang nagtangka ngayon sa buhay ni Miss Herrera ay highly trained professionals ang mga iyon. "We're going balls to the wall, guys. Dahil pag nagkataon, itong pag escort lang sana natin ni Miss Herrera ay baka magiging hostage rescue na."

Kinuha naman niya ang nakasukbit na animo baril sa kanyang likod, aimed the window and pulled the trigger. Isang napakatibay na lubid ang lumabas doon at umangkla sa may bintana. Pressured air from the pneumatic gun cracked the silence, pero hindi naman iyon masyadong nagdulot ng matinding ingay. Ginamit niya ang lubid na iyon upang makaakyat siya sa bintana ni Miss Herrera.

Ngunit nang tuluyan na siyang makapasok sa bintana, ni isang tao sa unit na iyon ay wala siyang nakita. Dahan-dahan naman niyang binuksan ang nag-iisang kwarto roon pero wala pa ring tao. Kinuha niya ang handheld radio mula sa kanyang thigh holster at tinawag si Jazz. "Dragon Ball, nariyan ka ba sa harap ng apartment?"

Tough Hunks Series (7) Lander : The DefenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon