Chapter 63

1.3K 33 4
                                    


Alexander pov!

Napatingin ako kay Lory. Nasa kalagitnaan na kami ng byahe ngayon lang ako nakabalik sa realidad na hindi si Veronica ang kasama kundi si Lory. Ako na ang naginsist na ihatid siya sa bahay ayaw niya nga kasi baka daw may business matter akong pupuntahan.

Napakatahimik namin ni Lory habang nasa byahe kami ngayon. Nakatingin lang siya sa unahan na parang mag.isa lang siya at hindi niya ako kinikibo. Kahit ako ayaw ko ring makipag.usap. Parang may hindi tama. Hindi naman siya ganito. Mas sanay ako na maingay siya. Naguguilty ako para sa kanya.

"Lory I'm sorry nga pala kung hindi kaagad ako nakapunta sa hospital kanina."

"Naiintindihan ko. Huwag ka ng mag.alala." nakangiti niyang sabi. "Alam ko naman na isa kang businessman kaya huwag kang mag.isip ng ganyan kasi bago pa man naging tayo isa ka ng busy na tao."

Tiningnan ko muna siya saglit at binalik ko kaagad sa kalsada ang tingin ko. Nakokonsensiya ako. Buong akala niya ang pinunta ko kanina ay dahil sa isang business kahit ang totoo si Veronica ang pinuntahan ko.

"Salamat sa pag.intindi."

"Don't worry. Huwag ka ng malungkot. Alam mo ang gwapo mo sa attire na yan. Bihira kitang makita na ganyan ang suot mo. Mas lalo kang gumwapo. Bakit nga ba ganyan ang suot mo?"

"Ah ito?" nabigla ako sa tanong niya. "Nagpalit kasi ako kanina bago ako pumunta sa hospital. Natapunan kasi ako ng kape sa opisina." bakit ko ba kailangan magsinungaling sa kanya?

"Xander gusto ko nga pa lang magpasalamat sayo."

"Para saan?"

"Kasi dahil sayo nakamove on ako kay Mike at nagpasya ka na kalimutan mo na ang nakaraan mo." parang umurong ang dila ko sa mga sinabi niya. Tinigil ko na lang ang kotse sa harap ng bahay nila.

"Nandito na tayo." bumaba na ako at pinagbuksan siya ng pinto.

Diretso lang siya sa pagpasok sa bahay nila. Nasaktan ko ba siya sa hindi pagsagot sa sinabi niya? I'm so unfair.

"Xander pasensiya na pero gusto ko muna sanang magpahinga at...mapag.isa." tumango.tango lang ako.

"Ihahatid lang kita sa loob." hindi siya sumagot at pumasok na sa bahay nila. Sumunod na lang ako sa kanya hanggang sa living room nila. Nakabukas ang Tv nila.

'Nakalabas na si Lory Briones matapos isugod sa hospital kaninang umaga dahil sa pagkakabangga ng minamaneho niyang kotse. Ayon sa kanyang Fiance na si Mr. Alexander Buenodicto hindi naman malala ang natamo nitong sugat sa pagkakabangga.'

Pinakita ang video na iniinterview ako pero may nakaagaw ng pansin sakin. Tiningnan kong mabuti ang tv dahil nakilala ko kung sino ang nabangga ko kanina ng bigla akong napaatras habang iniinterview ako. Si Mike. Hinanap ng mata ko si Lory. Nakita niya kaya ang balita? Lumabas siya galing sa kusina at may dalang baso na may Juice.

"Inom ka muna."

"Salamat."iniabot niya sakin ang dala niya. "Magpahinga ka na."

"Nandito pala kayo." lumapit samin si Manang Rosing na galing sa labas. "Napano ka?" lumapit siya kay Lory at tiningnan ang noo niya na may takip na gauze. "Hindi ka nag.iingat. Diyos ko po. Mag.ingat ka naman. Alam mo naman na lapitin ng disgrasya ang mga ikakasal lalo na malapit na ang kasal niyo." napayuko ako sa sinabi niya.

"Manang ayos lang ako." niyakap niya si Manang ng mahigpit.

"May Problema ba?" bumitaw si Lory at umiling. Bakas sa mukha niya ang kalungkutan.

"Wala po. Pagod lang ako. Magpapahinga na po ako. Xander pasensiya na. Manang ikaw na lang po muna ang bahala sa kanya."

Umakyat siya sa taas at dumiretso sa kwarto niya.

The Billionaire's Fake Idiot FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon