Chapter 62

1.1K 31 0
                                    

Xander's pov!

Kahit lasing pa ako pinilit kong makatayo at pumunta sa lugar kung saan sinabi sakin ng tumawag na nandoon si Veronica.

Pinaharurot ko ang kotse ko. Hating gabi na at wala rin ako sa matinong pag.iisip dahil sa alak. Pinarada ko ang kotse ko sa harap ng abandonadong building at patakbo akong pumasok at tinahak ang hagdan papunta sa rooftop.

"Veronica?"

Sigaw ko at umaasang makakatanggap ako ng sagot pero isang putok ng baril ang sumagot kaya binuksan ko ang pinto para tuluyan akong makarating sa rooftop at nakita ko si Veronica na nakatingin sakin. Kahit madilim alam kong siya yun pero nasa dulo siya at isang hakbang na lang sigurado akong mahuhulog siya na pwede niyang ikamatay pero hindi lang siya ang nandoon may isang lalaki na nakatalikod ilang metro ang layo sakin at may hawak siyang baril na nakatutok kay Veronica.

"Who are you?!" matigas kong tanong kahit puno na ako ng pag.aalala kay Veronica at takot para sa kaligtasan naming dalawa.

"You're here." tumawa siya ng may pang.uuyam.

"Fuck you!" susugurin ko sana siya pero may apat na lalaki ang nagsilabasan habang may hawak na tubo. Wala akong kilala ni isa sa kanila. Hindi ko alam kung saan sila nanggaling dahil tanging kay Veronica lang ako nakatuon at sa lalaking nakatutok sa kanya ng barl. Pinigilan nila ako pero nagpupumiglas pa rin ako kahit alam ko naman na wala akong laban sa kanila. "WHO'S THE HELL ARE YOU!" bulyaw ko sa kanya.

"No need to know if who I am. Oh let me rephrase it. You already know me." humarap siya sakin pero nakatakip ang mukha niya gamit ang face mask na itim na bungo ang pinta at dahil madilim hindi ko maaninag ng mabuti ang mukha niya. Naagaw rin ang pansin ko ng suot niyang kwentas na umabot sa dibdib niya na bungo rin ang pendant at lahat ng mga nanditong lalaki pareho sila ng kwentas.

"Alexander,Alexander,Alexander. Are you not going to greet me first?" pinaikot.ikot niya ang kanyang baril sa hinlalaki niya.
"How sweet seeing a man trying to rescue his ex-fiancee. I was not inform that she's back good thing I hired someone to watch you. After six years maisasakatuparan ko na ang plano ko."

"Fuck you." buong lakas akong nagpumiglas pero marami sila para magtagumpay ako.

"Come on. Now, don't blink your eyes. I want to show your reaction while I'm killing her. Oh by the way what do you want me to do. Stab her to death or I'll shoot her?"

"HAYOP KA! PAPATAYIN KITA!"

"Okay sabi mo eh. Edi papatayin ko na siya." tinutok niya ang baril kay Veronica at umalingawngaw ang magkakasunod na putok.

"VERONICA!"

Napabangon ako. Basang.basa ang damit ko dahil tagaktak ang pawis ko. Isang masamang panaginip? Why am I having a nightmare about Veronica all of the sudden? Parang totoo ang lahat. What does it mean? Is it a premonition? But who's the man in my dream? Kung ano man ang mga kasagutan ko sa mga tanong ko kailangan ko itong malaman. I should protect Veronica no matter what like how she did before. Isa lang ang pwedeng makatulong sakin, si Veronica.

**********

Lory Pov!

Muli kong tiningnan ang sarili ko sa salamin. Mugto ang mga mata ko at dahil yun sa nangyari kagabi.

Flashback!

Ilang oras na simula ng umalis si Xander sa bahay namin at ilang oras na rin akong di mapakali pagkatapos ng malalaman ko kung sino ang kausap niyang babae kanina. It was Veronica.

Kahit si Kuya nabigla sa tanong ko kung paano ko daw nalaman ang Shandee pero sinabi niya sakin na tanging si Veronica lang ang tumatawag noon kay Xander. Sabi ko na lang na narinig ko lang yun sa mga kaibigan ni Xander habang nag.uusap kami mabuti naman at hindi na ako kinulit pa ni Kuya. Siguro dahil sa pagod na rin siya.

The Billionaire's Fake Idiot FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon