#4
START LISTING COUNTERMEASURES WHEN THINGS SUDDENLY WENT UNEXPECTED
Kung hindi mo na talaga kaya, do everything to ease your feeling. A confession will do. Pero pagplanuhan mo. People react in various ways. Study, observe and be brave, you're just doing everything to settle everything back to normal.
NANG kinagabihan ay napagod ako dahil nag-rush kami ni Vince na mamili ng susuotin sa victory ball. Tapos pagkauwi ay nag-rush din ako ng iilang labahin para sa susuotin ko dahil makiki-sleep over kami sa kaklase naming si Julian.
Pero imbes na makatulog ng mahimbing ay napuyat pa ako kakaisip kay Mercedejas.
Paano kaya maka-execute ng perfect confession?
First, I base things on their personality.
Kung tahimik na tao at yung composed lang, dapat kalmado lang ang pagkakasabi. At madalas, mas gusto nila yung pribado lang.
Ibubulong ko na lang siguro sa kaniya o kakausapin ng kaming dalawa lang.
Personalities like Rouise Mercedejas doesn't like public attention. Naisipan ko din na pwede kong ipagsigawan sa harap ng kaklase niya na gusto ko siya. Pwede kasi kaming asar-asarin at ipagtulakan sa isa't-isa until she fall for me too.
Ang kaso, nakakairita ang ganoon.
So yeah, mas pipiliin ko yung kaming dalawa na lang yung nakakaalam, and some of our friends. Then after the confession, I'll treat her normally. Hindi yung sobrang patay na patay na. Nakakailang kasi kapag ganon. Imbes na magustuhan ka ng tao, malalayo lalo ang loob niya sa'yo. But still, you have to show that person that you like him or her through simple ways.
Tutal, magbabakasyon na rin naman, pwede kong I-express kung ano talaga ang nararamdaman ko via private message sa Facebook. Yung maipapakita ko talaga pero yung hindi siya obligadong mag-reply dahil may sinabi lang ako.
And oh, kahit na gusto kong maging komportable siya sa akin or be friends with her as a stepping stone, hindi naman pwedeng the whole summer vacation, ipagpilitin kong maging ka-chat siya.
Nang I-stalk ko kasi ang Facebook account niya, natawa ako. Wala halos laman. Ilang weeks na ang nakakaraan bago ang huling post niya, which is yung pagpalit lang ng profile picture gamit ang sketch niya sa sarili niya. Tapos mukhang mi-minsan lang din kung mag-online. So tell me, paano mo siya makakausap?
I was right from the very start. Maybe she's not into but atleast, engaged with arts-visual arts to be precise. Gumagaling na ako sa pagde-deduce ng mga tao. LOL.
Ang back to my concern, hindi rin ako magaling na conversationalist. Kung mage-engage man ako ng topic, dapat talaga yung interesado siya. I hate random stuffs asf. Kapag alam kong wala ring patutunguhan yung usapan. It's better to end it short but at least, with a farewell like 'goodnight', 'goodbye' or 'God bless' rather than prolonging it but the conversation's awkward. Base din sa personality din ni Mercedejas, siya yung tipo ng tao na isang-tanong-isang-sagot sa mga taong 'di niya kilala o ka-close.
Kung yung tao na gusto mo naman ay friendly, maingay... pwedeng ipaabot mo na lang sa isang kaibigan niya na gusto mo siya.
Ang mga ganoong klaseng tao kasi ay kaswal lang ang lahat para sa kanila. Chill, walang problema. Pwede kasing after mong ipaabot yung confession mo sa isang malapit sa kaniya, pwede ka niyang I-approach at pag-usapan yung status niyo. Kung pwede ba kayong maging M.U basta may suyuan o hanggang friends na lang.
But things could go awkward with Mercedejas. So the second thought was a no no.
Pangalawa kong pinag-isipan ang reaksyon.