Unang ulan ng Mayo
ni: Kuya IanMagpapaulan na naman ako
ngunit hindi mababasa ang kalupaan
ang tanging mababasa lang ay ang aking unanhindi ito manggagaling sa kalangitan
nakakasigurado ako
dahil habang ibinubuhos ko ang ulan
ay nakatingin ako sa mga tala at maiging pinagmamasdan
kung gaano ka kaliwanag sa dilim
kung paano kang magningninghindi rin galing ang ulan ko sa mga anyong tubig
nagmula ito sa kirot dito sa aking dibdib
na pinihit ko nang pinihit
at pinilit nang pinilit
kong pihitin
ang sobrang higpit na gripo ng aking mga luha
nang mailabas ko ang sakit kahit panandalian
at malagpasan ko ang gabi at makapagpatuloy sa kinabukasanupang matapos na rin ang unang araw
at unang ulan
sa buwan ng Mayongunit baka hindi ko mamalayan
na iiyak ako hanggang kinabukasan
hanggang katapusan
hanggang katapusan ng Mayo
dahil nga umabot na sa katapusan ang 'tayo'
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento