Chapter 13

137 14 29
                                    

Jigger's POV

"NAGUGUTOM na ako. "Pagpaparinig ng nasa gilid ko, ang best friend ni Cheska  na bahagya kong nilingon. Nakaupo ito patalikod at nakahalumbaba sa may sandalan ng mahabang sofa na aming kinauupuan.

"What.. " pairap nitong puna nang mapansing tiningnan ko ito.

Hindi ko na lang ito sinagot at nag-iwas na lang ng tingin. Ugh! I can't believe this is happening. Bakit sa dinami-rami ng makakasama kong maghihintay sa pagdating nila Levi at Cheska ay ito pa?

At alam naman ng step sister ko na hindi maganda ang timpla ng dugo namin ng kan'yang best friend sa isa't-isa, hinayaan pa niyang maiwan ito kasama ko.

Nagsisisi na tuloy ako kung bakit ako nagkasakit at nagpaiwan dito sa hotel. And damn that Levi, kung bakit ba naman kasi hindi pa pinayagang sumama itong kaibigan ni Cheska sa kanilang pupuntahan, kakatagpuin lang naman nila yung baklang head manager nung company na aming client. Pakiramdam ko tuloy ay sinadya ng gagong iyon na iwanan sa akin 'tong maligalig na 'to.

"Hey. "

Hindi ko na ito nilingon. Na'ndito kami ngayon sa may 5th floor, sa lounge area nitong hotel. Kitang-kita rito ang magandang view ng buong resort kaya dito ko piniling mag-relax, at hindi ko maintindihan kung bakit sumama pa ito sa akin, halip na naroon s'ya sa sariling kwarto at nagpapahinga ng kan'ya.

"Hoy.. "

Umisod ako palayo at bumaling sa malaking glass window nitong lounge area, para iparating na hindi ko talaga gusto na kasama ito.

"Wow hah! Suplado!.. " naramdaman ko itong umayos ng upo at nakisandal na rin sa sofa. "F. Y. I., mas gwapo ako sa'yo. Duh.. " ibinulong pa nito ang huling sinabi, na rinig ko rin naman.

"Tss. "

Saglit itong hindi umimik. ".. you know what.. "

Wala akong paki.

"Bakit kaya hindi mo itigil 'yang kasungitan mo. Ayaw mo ba na nagkakasundo tayo, hah? Haller. "

"Exactly. " Tipid kong sabi nang hindi pa rin ito nililingon.

Narinig kong suminghap ito nang malalim. "Oh. My. Ghad.. A to the B to C! To the photosynthesis, vitamin D?!.. excuse me?! And who are para tanggihan ang pakikipag-ayos ko?! " Matinis nitong sabi at bahagyang umisod palapit sa akin. "Like seriously! Ang arte mo! Mas maarte ka pa sa'kin! Duhh! "

P*ta! Naiirita ako sa boses n'ya. Parang inipit na sisiw.

"Just leave me alone, please. "

"Jast leyb meh aloon, pliss! Nye nye nye.. "

"Ugh. damn it! " Irita ko itong nilingon. "What the f*ck is your problem?! "

".. ikaw! " Nananarak ang mata nitong sagot. "Anong problema mo? Nakikipag-ayos na nga sa'yo, diba?! Bakit ang haba ng sungay mo?! "

"Seriously? "

Inikutan ako nito ng mata. "Duhh! Serrriously ma brodah! " Nangaasar nitong sabi at bahagya na ulit umatras palayo. "Ambot sa imo! " Pagkatapos ay maarte itong nag-dekwatro at humarap sa unahan.

Napalingon ako sa paligid. Pinagtitinginan na tuloy kami rito ng ibang mga guest na naroon. Ang iba ay may mga malisya pa kung magbulungan. T*ngina! Iniisip pa yata ng mga ito na bayaran ako ng bading na ito.

"Tss. " Parang lalong sasama lang ang aking  pakirandam kung makakasama ko pa 'to rito.

"Ow! " Muli ko itong nilingon. Nagpapalinga-linga na rin ito sa buong paligid.

May The Best Jerk WinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon