CHAPTER I: MAY IBANG GUSTO

147 0 0
                                    

Haysss... Magsimula tayo sa pinakasimpleng dahilan kung bakit hindi ka crush ng crush mo... meron siyang ibang gusto mamshiee. Well there are several factors kung siya ang gusto niya at hindi ikaw so, isa sa most common factor kung bakit iba ang gusto niya ay kasi nagkakaroon ng tinatawag natin na "comparison". May mga bagay o kaugalian na meron siya na wala ka. At dahil dun, mabilis kang mang-degrade ng sarili mo which in turn nawawalan ka ng pag-asa sa kanya.

Kaya wag na wag kang mawalan ng pag- asa!!!

Another common cause kung bakit hindi ka gusto ay dahil hindi ikaw ang tanging hinahanap niya. Yes, lahat tayo ay may standards about diyan but there are some talaga na sobrang choosy pagdating sa mga bagay na yan. Pangatlo, siguro ang habol nun gwapo/maganda. Well, take from a guy na ganyan ang situation pagdating sa lovelife...

GANYAN TALAGA MAGHANAP NG PAG-IBIG NGAYON..

Hindi ko naman gine-generalize na lahat ng babae o lahat ng lalaki ay ganun pero you get my point. Sa panahon ngayon ay hindi na napag-differentiate ng tao ang "true love" sa "infatuation".

Ang habol talaga ng mga tao ngayon ay yung mga appealing on the outside pero hindi naman nila nakikita yung mga intangibles ng isang tao which is yung tunay na kaugalian niya. Well there are some na complete opposite of what I've described pero yung mga tao na yun kumbaga sabihin natin na "rare" na matagpo kaya advice ko lang, kung nahanap niyo na yung "the right one for you"... PLEASE LANG... wag niyo na pakawalan o lokohin kasi minsan lang yan darating sa buhay mo. Maybe in the end of the day, kung iniwan mo, baka ikaw pa ang magsisi.

"PERO PAANO KO TATANGGAPIN NA MAY GUSTO SIYANG IBA?"

That's a really bright question... Well ganito lang yan mamshiee..

Hayaan mo na lang.. bahala sila na gawin nila gusto nila. Marami ka pang priorities sa buhay like finishing your studies kung estudyante ka man o ang trabaho mo if ever na meron. Hindi naman kasi importante ang lovelife ngayon ehh. Kung meron man, gora lang basta kaya mo i-balance ang buhay mo pero kapag wala, antay lang ng tamang panahon, porket may mga lovelife ang mga tropa mo magkakaroon ka na rin? No.. wag na wag mong pilitin ang hindi naman ang karapat-dapat ngayon. Darating din yan pero ang kailangan talaga diyan ay PATIENCE. Hindi lang naman yung nagugustuhan mo ang nag-iisang lalaki/babae dito sa mundo, marami-rami pa yan.

You just have to wait for the perfect time and when the time is right, take those opportunities, who knows? Baka siya na nga ang tanging hinihintay mo sa sobrang tagal ng pag-aantay mo. Always remember na there are things that you won't have today but will have it in the future but even better. This means that great things happen to those people who have long patience and are willing to wait for the right time that God has allocated for them.

Three takeaways from this:

One: Never ever lose hope. Habang may buhay, may pag-asa.

Two: Know your priorities in life.

Three: Your time will come.

Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon