Patuloy na umaasa

0 0 0
                                    

Eto nanaman ako,
iniwang nakatulala sa gilid ng daan
Habang patuloy sa pagpatak ang ulan
Lumapit ka saakin,
ako ay luhaan at ako'y iyong tinulungan,
Tayo'y naging magkaibigan, nagkayayaan,
at paglaon ay iba na ang turingan.

Natanong ko dapat ko na ba uling simulan?
Ang magmahal na walang dahilan,
Ang humanga sa isang tao hindi dahil siya ay may porma o mayaman,...
Yun bang mgmahal dahil alam mong iyon ang totoong tinitibok ng puso mo
Hindi yung pinipilit mo upang makalimutan ang nakaraan mo...

Kahit na ako'y nalilito kung ako ay magtitiwala bang muli,
Ayoko nang umasa ngunit bakit parang nananaig ang puso ko na nagsasabing "mahal ko sya"

Tama ba?
Na muling buksan ang puso ko?
Tama ba?
Na mahalin ko sya kahit alam kong patuloy akong aasa?
Yan ang tanong na paulit ulit na pumapasok sa utak kong laging iniisip na sanay maging tayo,
ang utak na iniisip na karapat dapat ba ako sayo?

Kailan kaya ako matatapos sa pag-iisip kong ito?
dahil malabo atang magkaroon ng TAYO kung may "SIYA" na nakatatak sa puso mo
Pero eto parin ako nagpapakatanga sayo

Kahit masakit titiisin ko
Kahit paulit ulit nang dinudurog itong puso ko kapag nakikita kong masaya kayo
At ako na nakatingin lamang sa kawalan
na nag iisip na sana ako ang kasama mo at hindi siya

Sana ako ang ngbibigay ngiti sa mga labi mong mapupula
Ngunit tila wala na akong magagawa pa kung ako ay isa lamang sa isang milyong tao na naghahangad na mahanap ang pagmamahal ng gaya mo...
Kaya kung sakaling mahalin mo ako nandito lang ako naghihintay sa pagdating mo...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Patuloy na UmaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon