01.
"Aray ko naman kingina!" mapapamura ka nalang talaga eh.
"S-sorry miss!" aray ko yung tuhod ko puta.
"Dapat kase tumitingin ka s--" naputol yung sasabihin ko ng magsimula syang magbisekleta ulit, bastusan lang?!.
"sorry pero nagmamadali talaga ako!" sigaw nya at nagbbye pa. gago din eh, di man lang ako tinulungan.
pinagpagan ko yung suot kong pantalon minamalas talaga ako ngayon noh.
di na nga ako nakapasa tapos- putanginang lalakeng yon mabaog sana!
feeling ko maiiyak nalang ako eh, lagot ako paguwi neto. ano nalang sasabihin ko sa mga magulang ko?
'ma di ako nakapasa try nalang ulit naten sa iba'
wala na talaga akong mukhang maihaharap sa kanila. kasalanan ko ba kasing pinanganak akong tanga.
gabing gabi na at halos wala ng taong dumadaan dito. nagpatuloy ako sa paglakad ng may maaninag akong isang matandang babae.
agad akong napatago sa isang puno rito sa takot. hindi ko ba alam ngunit nangilabot ako sa presensya nya, feeling ko ay nagtaasan lahat ng buhok ko sa katawan. oo lahat.
pasikreto akong tumingin sa matanda. nakasuot ito ng itim, kuba na ito at sa unang tingin ay aakalain mong sya si santa claus dahil sa dala dala nyang isang malaking supot na may lamang kung ano sa likod nya.
gusto ko mang tulungan ang matanda ngunit napangunahan ako ng takot. Nakakatakot kase eh sorry naman, malay ko bang aswang pala yan diba?
hindi ko man maaninag ang mukha nya nakalawit naman ang ibang hibla ng buhok nito, pinaghalong kulay pula at puti ang kulay ng buhok nya. j3j3mW0n si inang.
hinintay kong makadaan ang misterysosng matanda, tingin ko ay di ako makahinga ng maramdaman kong dumaan sya sa tapat ng punong pinagtataguan ko.
dahan dahan akong lumabas sa pinagtataguan ko ng tuluyang makaalis yung matanda.
aishh! kung ano anong kagaguhan ang nangyayari saken ngayon.
maglalakad na sana ako nang may natapakan ako.
wag mo sabihing jackpot toh?!
dahan dahan akong tumingin sa paanan ko at ipinagdarasal na wag sana tae yung naapakan ko.
mahirap maglaba ng sapatos wag ka.
"Teka ano toh?" pinulot ko yung isang envelope na nakadikit sa sapatos ko. salamat at hindi tae.
kulay pula ito at ang bango. nahiya naman agad ako sa amoy ko dahil amoy arabo na ko.
teka ano naman toh?, alam kong envelope toh pero para saan toh? wag mo sabihing nahulog 'to nung matanda kanina.
ayoko sanang basahin ngunit sa
dala ng kuryosidad, binuksan ko ito at binasa.'Sapnu Puas ;)'
dyok lang ehehe.
'to: Ely Sian Peryian
'Congratulations! you've passed!
You're oficially one of the Chthonians now!'
- Bloody Universityhala putangina ano toh?! at teka! nakapasa? university? ngumiti ako ng napakalawak sa nabasa. hindi ba toh prank?
tumingin ako sa paligid ko ineexpect na may lalabas na camera sabay sasabihing 'na wow mali ka' ngunit tanging nakakakilabot na kadiliman lang ang naaaninag ko. tanging ang ilaw nalang ng post lamp ang nagbibigay sakin ng liwanag.
BINABASA MO ANG
Bloody University
Fanfiction"congratulations you passed. you're officially one of the cthonians now!" - Bloody University