Prolouge

13 0 0
                                    


"Kung nakakamatay lang yung titig malamang pinaglalamayan na ako ngayon. Pvtek! Ngayon lang ba sila nakakita ng babaeng may buhat ng isang kaban ng bigas? Masama ba talagang maging kargador ang babae? Kasi ano? Nasa batas ba 'yon? Wala naman. Mga g*go!". Nasa isip ng isang dalagitang may buhat na isang saking bigas sa balikat nya. Kahit araw araw na ang ganitong sistema sa lugar hindi parin magawang hindi pansinin ni Dei ang mga tingin ng mga taong nagdaraan. Bihira nga naman. Babae na kargador ng bigas sa palengke?

Pabagsak na ibinaba ni dei ang buhat nyang kaban sa harap ng isang tindahan. 'Kris Tina's Store' ang nakapaskil dito.
"oy aling kris eto na last na sako na'to! Pakainin mo na ko tas kukunin ko na bayad mo! Yung usapan a?" Aniya sa matabang mayari ng tindahan na nagutos sa kanyang buhatin ang mga bigas.
"OO HINDI NAMAN AKO KATULAD NG INA MONG SA SALITA LANG MAGALING!" Pasigaw na sambit ng ginang. Kung papapiliin nga lang siya ay di sya mamamasukan ng trabaho dito ngunit wala syang magagawa. Malaki ang utang nila rito. Kaya kahit na anong gaspang ng ugali nito wala syang karapatang magreklamo.
"pasalamat ka may utang kami sayong butanding ka" pabulong nyang sabi na hindi naman nakatakas sa pandinig ng babae na ngayon na pumapapak nanaman ng paborito nitong Crispy Pata.
"Anooooo? May sinasabi ka? Sinong butanding ha? Wala kang utang na loob!" Naguusok at nagmamantikang sabi ng ginang na ikinatawa naman ni dei. "ang pangit nya talaga haha" isip nito. "Ano ho? Ang sabi ko ho ang laki ng pasasalamat ko sa inyo kasi kung di dahil sa inyo e hindi na namin mapapakain ang butanding sa tyan namin! Kayo naman di na kayo mabiro. Ang seksi at ang ganda nyo kaya aling kris! Tang*na o muka kang model" pagpapalusot ni dei na ikinapula naman ng magkabilang pisngi ng ginang. Napakabilis talaga nitong bolahin. Agad itong humagilap ng pera sa bulsa't inabot sa dalaga.
"o ayan! Dinagdagan ko pa yan! Dapat nga di na kita sahudan kasi malaki pa ang uta---hoy! Walang hiya ka talagang babae ka!" Nag ngingitngit na bulalas ng ginang ng hindi na sya pinatapos ni dei sa pagsasalita at bigla na lamang hinablot ang pera at kumaripas paalis. Wala naman ng nagawa ang ginang kundi ang bumalik sa pagkakaupo at ubusin ang pinapapak nitong Pata.

"WOO YES TANG*NA MAY PANG PUDTRIP NANAMAN AKO HUWAAHAHAHHAAHA!" Sigaw ni dei habang tinatakbo ang kahabaan ng kalsada pauwi sa bahay niya.

------
A/N: First story ko sa wattpad, este first na napublish na story. Gumagawa ako para magimprove, hindi ako magaling. Tulad lang din ako ng ibang wattpader na umaasang makagawa ng sarili nyang story, may magbasa man o wala. :) 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Be my everythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon