「 🌼 ғ ᴀ ɴ s ᴇ ʀ ᴠ ɪ ᴄ ᴇ 」

35 9 23
                                    

ᴡᴏᴜɴᴅᴇᴅ

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ᴡᴏᴜɴᴅᴇᴅ

ʙʀᴜɪs ɪs ᴛᴇɴᴅᴇʀ
ʙᴜᴛ ᴅᴏᴇs ɴᴏᴛ ʟᴀs,
ɪᴛ ʟᴇᴀᴠᴇs ᴍᴇ s
ɪ ᴀʟᴡᴀʏs ᴡᴀs.

ʙᴜᴛ ᴡᴏᴜɴᴅ ɪ ᴛᴀᴋᴇ
ᴍᴜᴄʜ ᴍᴏʀᴇ ᴛᴏ ʜᴇᴀʀᴛ,
ғᴏʀ sᴄᴀʀ ᴡɪʟʟ ᴀʟᴡᴀʏs
ʟᴇᴀᴠᴇ ɪᴛs ᴍᴀʀᴋ.

ᴀɴᴅ ɪғ ʏᴏᴜ sʜᴏᴜʟᴅ s ᴍᴇ
ᴡʜɪᴄʜ ʏᴏᴜ ᴀʀᴇ,
ᴍʏ ᴀɴsᴡᴇʀ ɪs---
ʏᴏᴜ ᴀʀᴇ sᴄᴀʀ.

- ʟᴀɴɢ ʟᴇᴀᴠ

➢➢➢

" Whoever does not love does not know God, because God is love. " - 1 John 4:8

lagi na lang ganito, lagi na lang ako yung iniiwan. ayoko na bakit ganito na lang lagi? bakit ako na lang lagi mag-isa? wala na bang nagmamahal sakin?

"lene anak, be a good sister to sapphire" sabi ni mama sakin at hinalikan ako sa aking pisngi. "at kayong dalawang kuya aalagaan niyo tong nakakabata niyong kapatid." ani ni mama sa dalawa kong kuya na nasa likod ko lamang.

"goodbye my little princess, you take good care of yourself. wag kang mag-alala pagbalik namin ni mama mo may pasalubong kami sayo" wika naman ni papa habang nakatitig sakin.

sila, sila lang naman yung mga taong nagpapasaya sakin. sila lang yung mga taong nagbibigay kulay sa buhay kong puro black and white lang.

aaminin ko hindi ako masyadong close sa dalawa kong kapatid na lalaki at madalas din kami nag-aaway. tanging si sapphire lang ang nakakaintindi sakin, siya lang yung laging andiyan para sakin.

habang nasa playground kami ni sapphire narinig kong sumigaw si kuya at agad naman kaming bumalik sa bahay.

"lene, sap kailangan nating pumunta sa ospital." sabi ni kuya kiel samin at sabay abot nga jacket namin.

"kuya bakit? anong nangyari? mag gagabi na pero wala parin sila mama at papa" sabi ko habang nakatingin lamang sa salamin ng kotse.

"ate lene, pinapabigay pala sayo to ni papa at mama. nakalimutan ko nang ibigay sayo kanina." ani ni sapphire na nasa tabi ko lamang.

nagtaka ako kung bakit. anong meron dito sa sobreng to? bakit?

nakarating na nga kami sa ospital kung saan sinugod sila mama at papa. hawak-hawak ko ang kamay ng kapatid kong si sapphire habang sinusunduan sila kuya kiel.

at dun nakita ko. nakita ko ang wala nang buhay na katawan ni papa. andun lang siya mapayapang natutulog samantalang si mama naman ay nasa ER pa. agad akong tumakbo papunta sa kinahihigaan ni papa at dun niyakap ko siya.

"pa gising na. pa andito na kami nila kuya, alam mo bang kanina pa kita hinihintay. pa gumising ka please. wag mo kong iwan mag-isa, please!" sabi ko habang humahagulgol at yakap-yakap ko parin si papa.

"p-pa gising na please! gumising ka na. akala ko ba matatag ka? akala ko ba hindi mo kami iiwan? pa please!" hindi. hindi to maaari

"lene tara na hintayin na lang muna natin yung sasabihin ng doctor about kay mama." sabi naman nung isa kong kuya na si kuya kaiser.

habang kami ay naghihintay sa may labas ng ER hindi ko parin mapigilan na hindi maiyak dahil wala na. wala na yung superhero ko, wala na si papa.

"kayo po ba yung pamilya ni mrs. kinsley?" tanong ng doctor kila kuya.

"sorry to say this but your mother didn't make it." narinig kong sabi ng doctor at tila ito'y nagpaulit-ulit sa tenga ko.

"wala na din si mama. wala na yung wonder woman ng buhay ko." mahina kong sabi habang umiiyak sa isang tabi.

"ate. wag ka nang umiyak" sabi ni sapphire at niyakap ako.

fast forward na natin.....

madaming nangyari matapos kaming iwan ng mga magulang namin. inadopt kami ni tita and akala ko magiging masaya na ulit ako. oo napag-aaral nila ako pero nahahalata ko naman na ayaw nila sakin. mas gusto nila sila kuya at sapphire kaysa sakin.

nagkaroon din ako ng mga kaibigan sa school na pinapasukan ko pero akala ko tunay sila. akala ko pang habang buhay ko sila makasama ngunit hindi. ang sakit lang kasi hindi ko alam na binaback stab na pala nila ako. ni hindi ko alam na dahil sa kanila binubully at pinagtitripan ako ng mga iba naming kaklase.

pati sila kuya at sapphire napapalayo na ang loob sakin. sadness, emptiness and sorrows yan lang ang nararamdaman ko. minsan ayoko nang lumabas dito sa kwarto ko, mas gugustuhin ko na lamang na dito na lang ako habang buhay.

naisipan kong pumunta sa playground mag-isa. naupo ako sa swing at dun pumatak ang aking mga luha.

"you're useless selene. you're just a nobody to them. bakit ako na lang lagi na iiwan mag-isa?" tanong ko sa sarili ko.

"hindi ka nag-iisa. andito pa ako lene" narinig kong sabi ni Axel. siya ang bestfriend ng kapatid kong si Sapphire.

"anong ginagawa mo dito? umalis ka nga sa harapan ko!" sigaw ko sa kanya at pinunasan ang aking mga luha.

"alam kong nadedepress ka na and alam kong takot ka nang maging mag-isa. don't worry lene lagi mong tatandaan na andito lang ako. andito lang kami ni sapphire para sayo. hinding-hindi ka namin iiwan kahit na minsan parang aso't-pusa tayong dalawa." ani ni Axel at binigay sakin ang kanyang panyo.

"wag ka nang umiyak madaming nag-mamahal sayo kasama na kaming dalawa ng kapatid mo. andiyan lang din si God para sayo. lagi siyang andiyan sa tabi mo, wag mong isipin na ikaw lang mag-isa lagi kasi laging nasa tabi mo si God. hindi ka niya iniiwan dahil mahal na mahal ka niya. always remember that lene" sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.

oo tama nga si Axel hindi ako nag-iisa dahil andiyan pa sila kuya at sapphire. higit sa lahat andiyan lang din sa tabi ko lagi ang Panginoon. all this time akala ko nag-iisa na lang ako pero hindi pala. He's always there for me and hindi siyang nagsasawang mahalin ako.

❝ elysian ❞ Where stories live. Discover now