Chapter 5

10 1 0
                                    

5

"Baby, alam mo sa sarili mo na hindi normal ang pag-iisip mo, kaya napag isipan namin ng Papa mo na mag undergo ka ng rehabilitation. Please baby intindihin mo na lang kami ok? This is for your future."nakikita kong kinakausap ng babae ang parang anak niya ata.

"P-ero Ma? Alam mo naman po diba na normal ako? I'm fine, nothing's wrong with me. I don't need such stupid rehabilitation."nakikita kong pangungumbinsi ng anak niya habang hawak hawak ang isang barbie doll. Teka lang barbie doll? Seryoso ba siya. May sira naman 'tong batang ito.

"Honey, nandito na sila."nakikita kong sabi ng isang lalaki na parang papa niya ata.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ha? Teka anong nangyayari? Bakit hawak hawak ako ng mga lalaking 'to? Papanong?

"Hey let go of me!"sigaw ko habang nagpupumiglas ako sa mahigpit na pagkakahawak ng mga lalaking ito.

"Hey, let go of me now! I'm normal I'm totally just a normal boy!"sigaw ko dito. Fuck papanong nalagay ako sa sitwasyong 'to?

"Stay calm, no need to fight back, just give in."mahinahong sabi ng isang babae nakasunod habang hila hila ako ng mga lalaking mga maton na ito.

"Hoy! Saan niyo ako dadalhin!?"hindi ko na napigilan ang sarili ko at saglit akong nag ipon ng lakas.

"You fuckers!"sigaw ko at sinubukan kong makalaya sa mala bakal na kamay na humahawak saakin.

Hindi ko napansin at nakapasok na pala kami sa isang sasakyan. Hindi ko maintindihan ngunit tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Ngayon ko lang naramdaman ang napaka sakit na pakiramdam pwera sa ginawa saakin ni Sophie.

Teka lang, Sophie?

Hindi ko dapat hayaan na pigilan ako ng mga taong ito! Kailangan kong habolin si Sophie.

"Sir Salcedo, time to sleep."sabi ng babae habang kita ko na may hawak siyang pang injection.

"Ano yan? Stop! This is not funny, totally not funny, stop this!"sigaw ko. Fuck, di ako makagalaw dahil sa mga strain na ito.

"You fuckers!"galit kong sigaw dito habang nakikita kong papalapit na sa braso ko ang injection.

"Fuck!".............

"Kuya gising! Nalalaginip ka, gumising ka!"ha? Ano ito? Anong nangyayari?

"Kuya gising!"ha? Boses ni Kyle ito ha, oo nga pala may kapatid ako at pamilya. Hehehehe, ano namang ginagawa dito ni Kyle?

"Kuya naman oh."ha? Ba't naiinis tong bunso kong kapatid?

"Kyle tabi, ako na bahala sa kapatid mo."rinig kong sabi ni Mama.

Ikinagising ng aking diwa ng biglang may malamig na bagay na dumampi saking mukha.

"Fuck! Ano ba yan. Natutulog yung tao eh."sigaw ko. Ikinagulat ko ng may biglang malakas na hampas na tumama sa mukha ko, nope hindi pala hampas kundi sapak.

"Hoy Gal, gumising ka nga diyan at huwag no akong murahin!"rinig kong sigaw ni Mama kaya agad ko namang iminulat ang aking mga mata.

Teka lang, ba't nandito ako sa bahay? Ang naaalala ko.......

"Gal, huwag mo na akong subukang hanapin. Bye Gal, I love you."

Ano bang nangyari?!

"Anak ayos ka lang ba?"may mahinahong sabi saakin ni Mama.

"Ako ho? Ayos na ayos lang po ako."sabi ko sakanya.

"Anak bakit ka naglasing?"ikinagulat kong sabi ni Mama.

"Naglasing?"sabi ko sakanya.

"Di mo ba natatandaan?"tanong nito saakin.

"Hindi mo na po kailangan malaman."sabi ko rito ng walang gana.

" Sophie nanaman ba yan?"pagsingit ni Kyle sa usapan namin ni Mama.

Hindi na lang ako umimik at nagpaalam na lang akong mstutukog na muna. Ramdam ko rin kasi ang pagod sa aking katawan ngunit alam ko hindi lang katawan kundi pati puso ko. Di ko ba alam sa tuwing naalala ko si Sophie parang may kung anong kirot na nararamdaman ang aking puso.

Nagising ako ng may naririnig na mga tawanan, kaya agad ko naman akong bumangon para alamin kung saan ito nangga galing. Naglakad na ako malapit sa may hagdan at ikinsgulat ko ng makita kong naririto ngayon sa bahay ang aking mga tropa.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Taming The Girl Who Broke My Heart [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon