Stephanie's POV
Napaigting ako mula sa pagbabasa nang may isang nakakapanindig balahibong sigaw ng isang matanda ang umalingawngaw sa paligid. Hindi ko mawari pero pamilyar ang boses na iyon.
Nana?
Sinubukan kong i-check ang kwarto niya, at pati na rin ang kusina ngunit hindi ko talaga siya mahanap.
Bumilis ang kabog ng puso ko habang iniisip kung ano ang maaaring dahilan ng nakakakilabot na sigaw na iyon.
Mabilis akong lumabas ng bahay at sinalubong ako ng madilim na gabi at walang katao-taong kalsada. Malamig ang hangin. Walang makikita ni isang nilalang sa labas.
It must be just my imagination.
Napagpasyahan ko na bumalik na lang ng bahay dahil masyadong mapanganib kung mananatili ako rito sa labas.
Just as I took my third step, the scream once again pierced through the cold night.
I turned my gaze around only to see no one. Wala akong nakikitang tao. Tanging malalaking puno at madilim na mga sulok lamang ang bumungad sa mga mata ko.
"Please, don't do this? What's got in into you. Ako 'to." There it is again, but this time it's closer. There is definitely wrong here.
I know her voice. Hindi ako pwedeng magkamaling si Nana yun.
Simula pa lang no'ng bata ako ay si Nana na ang yaya namin. Despite her old age, malakas pa rin ito at nakakayanan pa rin niya kaming dalawa ni Bella na alagaan. Lagi niyang kinukuwento sa amin ng kapatid ko na isa siyang English teacher noon kaya ang husay niyang mag-ingles.
Ngunit ang boses ni Nana na naririnig ko ngayon ay iba sa karaniwang masigla niyang pagkatao. Ngayon ko lang siya narinig na sumisigaw ng ganito.
Kusa akong dinala ng mga paa ko patungo sa likod ng bahay namin. I prepared myself from anything that could have been waiting for me out here in the dark night.
A sudden movement stopped me from moving.
Please, hindi ka naman sana multo.
Mabuti na lang at may malaking puno ang malapit sa akin kaya agad akong nakapagtago rito.
The cold wind caressed my skin as it swiftly blows the leaves of the tree where I was currently hiding. Ramdam ko ang gaspang at ang mahinang pagsayaw nito kasabay ng ihip ng hanging dahan-dahang umuga-uga sa kanyang mga sanga.
Mabuti na lang at sapat na ang laki nito para itago ako ng buo.
Saglit na natahimik ang paligid. Tanging mga kuliglig at huni ng mga ibon sa mga puno lamang ang naririnig ko. But the silence did not last long. Muli na namang namayani ang mga hiyaw ni Nana sa paligid.
Ngayon sigurado na akong, hindi ko lang 'to imahinasyon.
Mas lumalakas ang mga naririnig ko habang lumilipas ang mga segundo. My heart beat faster than it normally does. Sweat began to wet my face despite of the cold breeze the night brought.
Nanatili akong nakatalikod sa malaking puno dahil hindi pa rin ako nakakasiguradong ligtas ang lumabas.
"Hindi ikaw ang kailangan ko rito pero dahil nakita mo ako kailangan kitang patahimikin." Isang sabik na sabik na boses ng babae ang galit na nagsasalita mula sa kabilang bahagi ng puno.
BINABASA MO ANG
After Past (Completed)
Mystery / Thriller[COMPLETED] "The truth behind those eyes are twisted lies, and behind those twisted lies is a person in disguise." *** The past still haunts her. She knows that there's more to the story than meets the eye. But as she dig deeper and deeper, more tr...