Unknown Creature~*~
Cia's POV
"H-Hindi k-ka t-tao.." Muli siyang tumungo at bahagyang napailing.
"Alam kong mabuti ang puso mo kaya please tulungan mo ako sa misyon ko. I don't know what kind of being am I. Basta ang sigurado lang ako.. ay patay na ako." Napakalungkot ng mukha niya, gusto ko siyang tulungan pero naisip kong sarili ko ngang buhay, hindi ko maayos tapos heto, may isang unknown creature sa harapan ko na hinihingi ang tulong ko. 0
Tinalikuran ko siya at naglakad papalayo. I know I'm really stone-hearted on how I act right now, but who to blame!? I'm really confused!
"Ikaw si Cia Bernadette Garcia, the girl with a very dark aura. I know that you're just too confused at this moment pero kilala kita at ang buong pagkatao mo." He paused for a moment and continued.
"When you were just a kid, your mother died. Sinagip ka niya mula sa kamatayan, but your family—especially your dad put the blame on you. Hanggang ngayon ay pinagdudusahan mo pa rin ang lahat ng nangyari sa nakaraan. I'm willing to help you but please, help me too." Napalingon ako sa kinaroroonan niya. His eyes got too serious while he became stiffer as he walk in front of me.
"Hindi ako ang makakatulong sa'yo." Mabilis ko siyang tinalikuran at tumakbo papalayo. Hingal na hingal ako nang makarating ako sa pintuan ng kwarto. Nilingon ko muna ang paligid bago ako tuluyang pumasok.
"Cia, what happened? Bakit hingal na hingal ka?" Hindi ko na siya sinagot at pumunta na ako sa banyo para makapaghilamos. Baka naghahalucinate lang ako.
Bakit kailangang sa akin pa siya magpakita? Bakit ako pa?
Palabas na ako ng cr matapos kong maghilamos at mag isip-isip. Nang mabuksan ko na ang pintuan, naistatwa naman ako ng makita ko siyang prenteng nakaupo sa kama. Nakasandal ang ulo niya sa headboard habang naka cross naman ang dalawang paa.
"Cia, ayos ka lang ba? Namumutla ka." Nanlalaki ang mga mata ko hanggang sa namalayan kong nakaupo na pala ako sa kama habang nakaalalay si Jhen at hinahagod ang likuran ko.
Napakunot naman ang noo ko ng maaninag ko siyang nakatayo sa harapan naming dal'wa. Nakapamulsa siya habang iginagala ang tingin niya sa kabuuan ng kwarto.
"Cia, let's sleep." Tinapik-tapik ni Jhen ang balikat ko saka siya humiga sa kama at natulog. Kaagad ko naman nilingunan ang pwesto kung nasaan siya.
Nakatitig lang siya sa akin na para bang kinakabisa ang kabuuan ko. Hindi ko mapigilang hindi matakot dahil sa presensya niya but at the same time, I find comfort sa tuwing titingin ako sa gawi niya.
BINABASA MO ANG
Angel In Disguise
Aktuelle Literatur"An Angel in Disguise is term referred to a person with a kind heart."